Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 15/Paliwanag

Mula Wikibooks
Laki sa Layaw
Paliwanag
Hiram na Bait
(Paliwanag)

Pamatid-Buhay
Paliwanag

Pag-aaral ni Florante

Pagdating

Sa pagsasalaysay ni Florante, hindi siya makakain, sa pagpapahulugang walang ganang kumain, nang halos isang buwan noong nakarating na siya sa Atenas; siya rin ay hindi makapigil-luha. Lahat ito ay dahil sa kalungkutan, at sa pag-ulila sa kanyang ma magulang na malayung-malayo mula sa kanya. At dahil doon, ipinapayapa naman siya, kahit hindi mabisa, ng kanyang gurong si Antenor upang mawalanlumbay si Florante.

Sa pagdating niya sa Atenas, nakita niya ang kanyang mga kamag-aral, kasama roon si Adolfo.

Mga iniaral

Astrolabyong Persyano, isang kagamitan ng mga astrologo upang maitukoy, at maihula ang kinalalagyan ng araw, buwan, at ng mga planeta at bituin.

Ang pangunahing mga iniaral ni Florante ay, sa pagkakabanggit niya sa ika-11 saknong, pilosopiya, astrolohiya at matematika.

Punong aklat: Astrolohiya

Ang astrolohiya [as'troˌlohɪja], huwag ikalito sa astronomiya, sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig.

Punong aklat: Matematika

Ang matematika [ma'teˌmatika] ay karaniwang nangangahulugang pag-aaral ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo. Ang matematika ay maaring makita bilang payak na pagpapalawig ng wikang ibinigbikas at sinusulat, kasama ang pinakatumpak na kahulugan ng talasalitaan at balarila, alang-alang sa layunin ng pagsasalarawan at pagtuklas ng mga ugnayang pisikal at pangkaisipan.

Punong aklat: Pilosopiya
"Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking natutuhan ang astrolohiya, natantong malinis ang kataka-taka at mayamang dunong ng matematika."

Florante, Florante at Laura

Ang pilosopiya [pɪ'losopɪja] ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral, kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang itinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungang mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.


Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Konde Adolfo
"Mahinhin ang asal na hindi magaso at kung lumakad pa'y palaging patungo, mabining mangusap at walang katalo, lapastangin ma'y hindi nabubuyo."

Florante, Florante at Laura

Si Adolfo [a'dolfo] ay, kagaya ng kanyang amang si Sileno, isang konde ng Albanyang nakatatanda kay Florante nang dalawang taong gulang. Bilang isang mag-aaral sa Antenas, si Adolfo ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamabuti sa lahat, isang kapurihang pilit naagaw ni Florante pagkatapos ng anim na taon ng kanyang pag-aaral. Sa pagsasalaysay ni Florante, siya ay nagmamay-ari ng mahinhing asal, hindi magagalit lapastanganin man, at nagpapakita ng pagpapakumbaba. Bagaman lahat ng ito, ayon kay Florante, isa siyang napakamalihim na tao. Ang mga paglalarawang ito ay lubhang taliwas sa mga susunod na paglalarawan sa kanya, at sa buong pagkakakilanlan niya sa awit, isang bagay na higit na bibigyanlinaw sa mga susunod na kabanata.

Ugnayan sa isa at isa

"Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalat-kayo; kahinhinang-asal na pakitantao, nakilalang hindi bukal kay Adolfo."

Florante, Florante at Laura

Hindi malapit sa isa at isa sina Adolfo at Florante; ito ay batid nilang dalawa at ng buong paaralan. Ayon kay Florante, hindi niya malasap ang kabutihang asal na ipinapakita ni Adolfo nang kagaya ng mula sa kanyang mga magulang, ang bukal na kabutihan. At dahil doon pilit silang nag-iiwasan sa isa at isa. Pagkatapos ng anim na taon ng pag-aaral ni Florante sa Atenas, gaya ng sinabi sa naunang seksyon, nalagpasan ni Florante ang galing ni Adolfo, at dito rin nakita ng lahat na hindi bukal ang kabutihan ni Adolfo, at siya ay nagbabalat-kayo lamang upang mapuri.