Pumunta sa nilalaman

Wikibooks:Ano ang Wikibooks

Mula Wikibooks
(Tinuro mula sa Wikibooks:Patungkol)

Nagbibigay-depinisyon sa Wikibooks ang pahinang ito. Ang mga usapan at debate ay dapat mangyari sa usapang pahina.

Ano ang Wikibooks

[baguhin]

Ang Wikibooks ay isang koleksyon ng malayang nilalaman na mga libro.

Dahil paiba-iba ang depinisyon ng libro, kinaklaro ng pahinang ito kung anong maaaring mailagay sa Wikibooks. Halimbawa, ang Ang lahat ng obra ni Jose Rizal ay maaaring libro sa kursong Pilipinong Panitikan, ngunit iyon ay bawal dito.

Anong sakop ng Wikibooks

[baguhin]

Ang Wikibooks ay para sa mga libro, mga komentaryo ng teksto, mga gabay at manwal. Ito ay maaaring gamitin sa klasrum, sa mga institusyon, sa home-school, parte ng kurso sa Wikiversity, o para sa sariling turo. Ang mga gabay na aklat lang ang maaaring isama. Ang mga librong kathang-isip at di kathang-isip na hindi naggagabay o di edukasyonal ay bawal sa Wikibooks. Ang mga panitikang ginagamit panturo ay puwede sa mga ibang sitwasyon.

Ang mga materales na di naaayon sa Wikibooks ay dapat tanggalin ayon sa polisiya ng pagbubura.

Ang Wikibooks ay sumasama ng kumentaryo ng teksto

[baguhin]

Bagaman bawal ang derektang kopya ng mga umiiral na akda, pinapayagan ang pagkukumentaryo ng mga teksto, na teksto na may kasamang orihinal na teksto at gabay sa pagbabasa nito. Ito ay maaaring isama kapag ang tekstong iyon ay magkatugma sa lisensya ng proyekto.

Dahil halos magkaparehas sa proyektong Wikisource, pinapayagan rin nito ang kumentaryo ng teksto. Kapag gusto mong magsulat ng kaunting kumentaryo, doon mo nalang gawin iyon.

Ano ang hindi Wikibooks

[baguhin]

Nasa ibaba ang mga bagay na hindi Wikibooks. Dapat itong isaisip habang nag-aambag.

Ang Wikibooks ay hindi isang libreng host

[baguhin]

Hindi ka maaaring mag-host ng iyong sariling websayt, blog o wiki sa Wikibooks. Kapag interisado kang gamitin ang teknolohiyang wiki, maraming mga ibang paraan upang makamit iyon.

Ang mga pahina ng Wikibooks ay di pam-personal. Ang mga Wikibookian ay may sariling pahinang tagagamit, ngunit ginagamit lang iyon sa impormasyong may kaugnayan sa pag-ambag sa Wikibooks. Kapag gusto mong gumawa ng sariling websayt, gumamit ka ng mga ibang tagapag-lingkod sa Internet.

Ang Wikibooks ay hindi porum

[baguhin]

Ang Wikibooks ay hindi para sa pangangampanya o pagpapatalastas. Ang Wikibooks ay hindi para sa mga:

  1. propaganda o adbokasiya nang kahit ano. Ang mga aklat ay dapat walang kinikilingan.
  2. personal na sanaysay na nagsasabi ng iyong sariling opinyon sa isang paksa. Ang Wikibooks ay hindi sasakyan para maging ganap na impormasyon ang mga opinyon.
  3. patalastas. Hindi nag-eendorso ang Wikibooks sa kahit anong negosyo o produkto.

Ang Wikibooks ay hindi paglalagyan ng mga teksto

[baguhin]
  1. Kathang-isip o panitikan — Bawal sa Wikibooks ang orihinal na kathang-isip o panitikan.
  2. Pangunahing pananaliksik — Ang Wikibooks ay hindi para sa paglilimbag ng pangunahing pananaliksik, gaya ng mga bagong teorya at solusyon, mga orihinal na ideya, at paggawa ng mga bagong salita. Dapat itong ilimbag isa iba, gaya ng mga dyornal o sa Wikiversity.
  3. Akdang nailimbag — Ang Wikibooks ay para sa pagtutulungang makagawa ng mga bagong di kathang-isip na teksto. Ang Wikisource ay para sa mga tekstong dati nang nailimbag at ngayo'y nasa ari-aring pambatan o nasa kaperehong lisensyas. Ito ay maliban sa mga kumentaryo ng teksto na parang materyales na pang-edukasyon na nagsasama ng orihinal na teksto para sa gabay ng pagbabasa ng tekstong iyon.

Ang Wikibooks ay hindi papel

[baguhin]

Ang Wikibooks ay di papel. Walang limitasyon sa laki ang Wikibooks, maaaring maglagay ng kawing, atbp. Dahil dito, ang estilo at haba ng pagsusulat sa papel ay maaaring di akma dito. Hindi na ring kinakailangang mangamba kung magiging hindi napapanahon ang mga akda, dahil maaaring palitan naman ito.

Ang Wikibooks ay hindi ensiklopediya

[baguhin]

Ang Wikibooks ay hindi ensiklopediya at ang mga pahina'y di nakaayos na parang ensiklopedya. Ang mga aklat ay bumubuo ng kaalaman sa bawat pahina. Ang mga di tapos na libro ay maaaring maayos nang parang ensiklopedya hanggang sa maayos ito sa mga tunay na libro. Para sa ensiklopedya, tignan ang Wikipedia.

Ang Wikibooks ay hindi pagkukunan ng balita

[baguhin]

Ang Wikibooks ay hindi limbagan ng mga balita. Iginagawa iyon ng Wikinews.

Ang Wikibooks ay hindi diksyunaryo

[baguhin]

Bagaman ang diksyunaryo ay isang libro, iginagawa iyon ng Wiktionary. Marahil:

  1. Ang Wikibooks ay hindi isang tesauro. May tesaurus nang nakasama sa Wikitionary. Ang mga librong nagbibigay-depinisyon ay dapat tanggalin.
  2. Ngunit: Ang Wikibooks ay pumapayag sa mga proyektong nangangailangan ng pandagdag na diksyunaryo, gaya ng talasalitaan o glosaryo. Halimbawa, maaaring ang librong pang-matematika ay nangangailangan ng talasalitaan ng mga termino; ang librong pang-wikang banyaga ay maaaring kailangan ng diksyunaryong pang-salin. Upang manatili ang mga ito, dapat ay pandagdag lamang ito sa pangunahing teksto.

Ang Wikibooks ay hindi para gumawa ng mga bagong proyekto ng Wikimedia

[baguhin]

Ang mga bagong proyekto ng Wikimedia ay dapat ihiling sa Meta-Wiki at dapat hindi ilagay sa Wikibooks.

Ang Wikibooks ay hindi sinesensor para sa proteksyon ng mga menor-de-edad

[baguhin]

Ang Wikibooks ay di naka-sensor para sa proteksyon ng mga menor-de-edad. Una, kahit sino ay maaaring mag-bago ng pahina at nakikita ang pagbabago kaagad, kaya hindi namin garantisado na ang makikita o mababasa ng bata ay katanggap-tangap sa kanila. Pangalawa, walang sistema ang Wikibooks para sa pagtanggal ng mga materyales na nakaaapekto sa mga bata. Ngunit, maaaring maipag-kasunduang mag-sensor.

Importanteng malaman na ang mga laman na nakakasakit ay maaaring labag sa mga nasabing polisiya o naglalaman ng may karapatang-ari na itinatanggal kaagad. Ang kahit anong paninira o bandalismo ay itinatanggal kaagad. Paumanhin kapag nakakita ka ng bandalismo nang iyo'y kakalagay lamang. Iyon ay itinatanggal namin nang mabilisan.

Ang Wikibooks ay hindi para sa mga gabay sa mga video game

[baguhin]

Ang Wikibooks ay hindi para sa mga gabay ng video game. Hindi karapat-dapat ang mga ito sa Wikibooks. Ngunit, ang mga ibang libro tungkol sa mga video game, gaya ng pagsusuri sa mga ito o sa gabay ng paggawa ng mga ito, ay pinapayagan dito. Ang isang ligar para maylagay ng mga gabay ay ang StrategyWiki.

Tignan din

[baguhin]

Padron:Wikibooks policies and guidelines