Wikibooks:Karapatang-ari
Ang pahinang ito ay naglalaman ng isang burador na panukala tungkol sa isang batayan o patnubay sa Wikibooks. Talakayin ang mga pagbabago sa burador na ito sa usapan. Kapag napagkasunduan, ang burador na ito ay maaari maging opisyal na batayan o patnubay sa Wikibooks. |
Ang lahat ng teksto ay inilisensya ng walang bawian sa publiko sa ilalim ng isa o higit pang mapagbigay na lisensya, at ikinakarapatang-ari ng mga taga-ambag sa Wikibooks maliban kung ipinahayag (halimbawa; teksto na nasa karapatang-ari ng publiko o iba pang teksto kung saan nakakuha ng pahintulot ay ibinigay o kinuha). Karamihan sa mga teksto sa Wikibooks ay inilisensya sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 Unported License (CC-BY-SA) at GNU Free Documentation License (GFDL) (walang bersyon, na walang binagong bahagi, harapan, at likuran na teksto). Ilan sa mga teksto ay nasa ilalim lamang ng CC-BY-SA at CC-BY-SA na magkasundong lisensya at hindi maaaring gamitin muli sa ilalim ng GFDL; ang mga tekstong yaon ay kikilalanin sa talaibabaan ng pahina, sa kasaysayan ng pahina, o sa pahinang usapan ng modyul na gumagamit ng teksto.
Ang mga nilalaman ng Wikibooks ay maaaring kopyahin, baguhin, at ibahagi kung ang bersyong kinopya ay ibabahagi sa parehong mga tuntunin at idinagdag ang pagkilala sa mga may-akda ng gawa (isang kawing na nagtuturo sa aklat o modyul ay karaniwang ginagawa upang tuparin ang atas ng pagkilala; basahin ang ibaba para sa mga detalye). Ang mga nilalaman na kinopya ay mananatiling libre sa ilalim ng kaukulang lisensya at maaaring gamitin ng sinuman at pinapaganap ng mga alituntunin. Karamihan sa mga alituntuning ito ay naglalayon na mapanatili ang kalayaang ito.
Sa layuning ito,
- Pinahihintulutan na kopyahin, ibahagi, at/o baguhin ang teksto ng Wikibooks sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 Unported License at, , ang GNU Free Documentation License.
- Ang nilalaman ng Wikibooks ay sakop ng mga pagtatatuwa.
Ang teksto ng CC-BY-SA at GFDL sa wikang Ingles ang mga kaisa-isang pabatas na tipan sa pagitan ng mga may-akda at tagagamit ng nilalaman ng Wikibooks. Ang mga sumusunod ay ang interpretasyon ng Wikibooks sa CC-BY-SA at GFDL. Ang mga ito ay tumutukoy sa mga karapatan at tungkulin ng mga tagagamit at taga-ambag.