Kasalukuyan
"May sambuwan halos na 'di nakakain, luha sa mata ko[1]'y 'di mapigil-pigil, ngunit 'di napayapa sa laging pag-aliw ng bunying maestrong[2] may kupkop sa akin."
"Ang dinatnan doong madlang nag-aaral kaparis kong bata't kabaguntauhan, isa'y si Adolfong aking kababayan, anak niyong Konde Silenong marangal."
"Ang kaniyang tao'y labis ng dalawa sa dala kong edad na lalabing-isa; siyang pinupoon ng buong esk'wela, marunong sa lahat na magkakasama."
"Mahinhin ang asal na hindi magaso at kung lumakad pa'y palaging patungo, mabining mangusap at walang katalo, lapastangin ma'y hindi nabubuyo."
"Anupa't sa bait ay siyang huwaran ng nagkakatipong nagsisipag-aral; sa gawa at wika'y 'di mahuhulihan ng munting panira sa magandang asal."
"Ni ang katalasan ng aming maestro at pagkabihasa sa lakad ng mundo ay hindi natarok ang lalim at tungo ng pusong malihim nitong si Adolfo."
"Akong pagkabata'y ang kinamulatan kay ama'y ang bait na 'di paimbabaw, yaong namumunga sa kaligayahan, nanakay[3] sa pusong suyui't igalang."
"Sa pinagtatakhan ng buong esk'wela bait ni Adolfong ipinapakita, 'di ko malasapan ang haing ligaya ng magandang asal ng ama ko't ina."
"Puso ko'y ninilag[4] na siya'y giliwin, aywan nga kung bakit at naririmarim; si Adolfo nama'y gayundin sa akin, nararamdaman ko kahit lubhang lihim."
"Araw ay natakbo at ang kabataan sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw[5]; bait ko'y luminis at ang karunungan, ang bulag kong isip ay kusang dinamtan."
"Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking natutuhan ang astrolohiya, natantong malinis ang kataka-taka at mayamang dunong ng matematika."
"Sa loob ng anim na taong lumakad itong tatlong dunong ay aking nayakap; tanang kasama ko'y nagsisipanggilas, sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak."
"Ang pagkatuto ko'y anaki himala, sampu ni Adolfo'y naiwan sa gitna, maingay na lamang tagapamalita, sa buong Atenas ay gumagala."
"Kaya nga at ako ang naging hantungan, tungo ng salita ng tao sa bayan; mula bata't hanggang katanda-tandaan ay nakatalastas ng aking pangalan."
"Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalat-kayo; kahinhinang-asal na pakitantao, nakilalang hindi bukal kay Adolfo."
"Natanto ng lahat na kaya nanamit niyong kabaitang 'di taglay sa dibdib ay nang maragdag pa sa talas ng isip itong kapurihang mahinhi't mabait."
"Ang lihim na ito'y kaya nahalata, dumating ang araw ng pagkakatuwa; kaming nag-aaral baguntao't bata, sari-saring laro ang minunakala."
"Minulan ang gali[6] sa pagsasayawan, ayon sa musika't awit na saliwan; larong buno't arnis na kinakitaan ng kani-kaniyang liksi't karunungan."
|
Orihinal
May sangbouan halos na dî nacacain, lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil; n͠guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu n͠g bunying maestrong may cupcup sa quin.
Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral caparis cong bata,t, cabaguntauhan, isa,i, si Adolfong aquing cababayan, anác niyaóng Condeng Silenong maran͠gal.
Ang caniyang taó,i, labis n͠g dalauá sa dalá cong edad na lalabing-isá, siyang pinopoón n͠g boong escuela, marunong sa lahát na magcacasama.
Mahinhín ang asal na hindî magasó at cong lumacad pa,i, palaguing patungó, mabining man͠gúsap at ualáng catalo lapastan͠ganin ma,i, hindi nabubuyó.
Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran n͠g nagcacatipong nagsisipag-aral, sa gauâ at uica,i, dî mahuhulihan n͠g munting panirà sa magandang asal.
Ni ang catalasan n͠g aming maestro at pagca-bihasa sa lacad n͠g mundó, ay hindî nataróc ang lihim at tungo ng púsong malihim nitong si Adolfo.
Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo, yaong namumunga n͠g caligayahan, nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
Sa pinagtatac-hán n͠g bong escuela, bait ni Adolfong ipinaquiquita, dîco malasapán ang haing ligaya n͠g magandang asal n͠g amá co,t, iá.
Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin, ayauan cun baquit at naririmarim, si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin, nararamdamán co cahit lubháng lihim.
Arao ay natacbó, at ang cabata-an sa pag-aaral co sa qui,i, nananao, bait co,i, luminis at ang carunungan ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
Nataróc ang lalim n͠g filosfía, aquing natutuhan ang astrología, natantóng malinis ang catacá-tacá at mayamang dunong n͠g matemática.
Sa loob n͠g anim na taóng lumacad itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap tanáng casama co,i, nagsi-pangilalás sampô n͠g maestrong toua,i, dili hamac.
Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ, sampô ni Adolfo,i, naiuan sa guitnâ, maingay na lamang taga pamalità, sa boong Atenas, ay gumálà-galá.
Cayâ n͠gâ at acó ang naguing hantun͠gan tungo ng salita n͠g tauo sa bayan, muláng báta,t, hangang catanda-tandaan, ay nacatalastás n͠g aquing pan͠galan.
Dito na nahubdán ang cababayan co n͠g hirám na bait na binalat-cayô, cahinhinang ásal na paquitang tauo naquilalang hindî bucal cay Adolfo.
Matantô n͠g lahát na cayâ nanamit niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib, ay nang maragdag pa sa tálas nang isip itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.
Ang lihim na itó,i, caya nahalatà, dumating ang arao nang pagca-catoua, caming nag aaral bagong tauo,t, batà sari-saring laro ang minunacala. At yun na nga. Yun na
Minulán ang galí sa pagsasayauan ayon sa música,t, auit na saliuan, laróng bunó,t, arnés na quinaquitaan nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.
|