Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 16/Paliwanag

Mula Wikibooks
Hiram na Bait
Paliwanag
Pamatid-Buhay
(Paliwanag)

Bilin Ko'y Tandaan
Paliwanag

Lagom

Bilang karugtong ng pagsasalaysay ni Florante, itinutuloy dito ang unang sinabi sa naunang kabanatang lumalabas na ang totoong ugali, na taliwas sa kanyang unang mga ipinapakita, ni Adolfo. Lalo pa itong napalala sa mga sunod niyang ginawa kay Florante sa sa isang dula.

Buod

Dula

"Papel ni Eteokles ang naging tungkol ko at si Polinise nama'y kay Adolfo; isang kaesk'wela'y siyang nag-Adrasto at ang nagYokasta'y bunying si Menandro."

Florante, Florante at Laura

Isang araw, inilabas nina Florante at ng kanyang mga kamag-aral, kasama si Adolfo, ang isang dula tungkol sa epikong buhay ni Edipo, isang bayani ng mitolohiyang Griyego.

Sa dula, gumanap si Florante bilang Eteokles, si Adolfo bilang Polinise, isang di-ipinangalanang kamag-aral ni Florante bilang Adrasto, at si Menandro bilang Yokasta, isang pagganap na taliwas sa kasarian ni Menandro dahil si Yokasta ay isang babae ngunit ito ay karaniwan noong unang panahon dahil sa malawakang mababang pagtingin sa kababaihan kaya hindi sila pinapayagang gumanap sa mga dula, at hindi nagpapahiwatig na bakla si Menandro.

"Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay
ay hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang winika'y "Ikaw na umagaw ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!"

Florante, Florante at Laura

Nang isinasagawa na nila ang dula, imbis na sabihin ni Adolfo ang itinakda sa kanyang ditso, isinabi ni Adolfo ang nasasaad sa kaliwa. Sunod niya namang sinugod si Florante, at isinabi muli ang nasasaad sa kaliwa. Kaya naman napahiga si Florante habang iniilagan ang mga tagang malalakas ni Adolfo gamit ang kanyang patalim na una nang hinanda. Sa pagmamadali, agad tinulungan ni Menandro si Florante sa isang di-inilarawang paraan, at sunod namang namagitan si Antenor. Lahat ito ay dahil sa lubha niyang pagkagalit kay Florante dahil lahat ng kanyang kapurihan ay napunta na kay Florante. Dahil sa lahat ng iyon, ipinaalis si Adolfo nang araw ding iyon mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Sulat sa pagkamatay ng ina

"May dalawang oras na 'di nakamalay ng pagkatao ko't ng kinalalagyan; dangan sa kalinga ng kasamang tanan ay 'di mo na ako nakasalitaan."

Florante, Florante at Laura

Matapos ang isang taon, nakatanggap si Florante ng isang sulat mula sa kanyang amang, si Briseo, nagsasabing namatay na ang kanyang ina, si Floresca, sa isang di-binanggit na dahilan. Nagpalungkot nang lubha kay Florante ang pangyayari, halos dalawang oras siyang hindi nakaimik, at hindi niya mapapigil ang pagluha. Lahat naman itong pagluluksa ay sinubukang alisin ni Antenor ngunit ang kanyang pag-aliw ay wala ring nagawa. Lubha talagang malungkot si Florante.

Buhay ni Edipo

Punong artikulo: Mitolohiyang Griyego\Mga bayani\Edipo
Si Edipo habang inaalagaan ng pastol.

Gaya ng mga unang isinabi, nagdula sina Florante at ang kanyang mga kamag-aral; ang dulang iyon ay ang buhay ni Edipo.

Kasanggulan

Si Edipo [e'diːpo] ay, bilang isang bayani ng mitolohiyang Griyego, isang anak ng Haring Layo at ng Reyna Yokasta ng Tebas. Nang siya ay ipinanganak, sumangguni si Layo, ang kanyang ama, sa isang orakulong mula sa Delpos, Gresya. Ayon sa orakulo, papatayin ni Edipo ang kanyang ama, at papakasalan ang kanyang ina. Sa takot at sa sang-ayunan sa pagitan nina Layo at Yokasta, ipinag-utos nila sa isa sa kanilang mga aliping dalhin ang sanggol na si Edipo sa kagubatan ng Siteron, at ipagpakuin sa isa at isa ang kanyang mga paa upang hindi makaalis, at sa huli mamatay. Pagkatapos maisagawa ang mga utos na iyon, mayroong nakakitang pastol kay Edipo, at sa awa, siya ay inalagaan, at ibinigay sa kanyang among si Polibos, ang hari ng Korinto, na itinuring naman si Edipo bilang sarili niyang anak.

Pag-alis sa Korinto

Matapos ang ilang taon, sumangguni si Edipo sa isang orakulo. Ang isinabi ng kanyang sinangguniang orakulo ay kapareho ng sa isinabi ng sinanggunian ng ama niya noong siya ay sanggol pa lamang. Sa paniniwalang baka magawa niya ang mga iyon sa kanyang mga pinapaniwalaang magulang, sina Polibos at ang kanyang asawa, umalis siya ng Korinto, pumuntang Tebas, na lingid sa kanyang kaalaman, ang pinamamayanan ng kanyang mga totoong magulang, at nangakong hindi na babalik doon upang maiwasan ang pangyayaring isinabi ng orakulo.

Pagdating sa Tebas

Pagpatay sa kanyang ama

Si Edipo habang itinatanong ng Espinghe.

Nang siya ay dumating na sa Tebas, napatigil siya sa isang salikop ng daan dahil mayroong isang taong ayaw siyang paraanin, na hindi niya muli alam na siya ang kanyang totoong ama. Sa galit niya, pinatay niya ang lalaki; isang pagpapatotoo sa naunang hula ng mga orukalong papatayin niya ang kanyang ama.

Sunod niya namang nakatagpo ang Espinghe, na kasalukuyang nanggugulo ng Tebas, at itinanong siya nito ng isang bugtong kagaya ng pagtatanong niya sa bawat manlalakbay na dumarating sa Tebas. Ang bugtong na itinanong kay Edipo ay "Anong naglalakad sa apat na paa tuwing umaga, dalawa tuwing hapon, at tatlo tuwing gabi?". Ang isinagot niya ay "tao"; siya ay tama. Kaya naman sa galit, nagpakamatay ang espinghe, at dahil wala nang manggugulo sa Tebas, natuwa ang mga tao, at iniupo siya sa trono bilang hari, at ipinakasal sa kanya ang balo, ang kanyang ina, ng namatay na hari, ang ipinatay niyang ama. At nagpatotoo lahat ng ito sa mga hula ng mga orakulo nang hindi niya man lamang alam.

Isang paglalarawan ng salot na kumitil ng mga buhay

Salot

Matapos ang ilang taon, nagkaroon na ng apat na anak, kasama roon sina Eteokles at Polinise, sina Edipo at Yokasta, at mayroong salot na dumating sa Tebas. Ayon sa isang orakulo, mayroong salot sa bayan ng Tebas dahil mayroong isang taong hindi pa napaparusahan sa pagpatay sa hari. Sa pananangguni niya sa isang propeta, isinabi nitong siya ang pumatay sa hari, at gumawa siya ng mga krimeng higit na mabigat pa roon. Dahil ngayon alam niya nang ipinatay niya ang kanyang ama, at ipinakasalan niya ang kanyang ina, napakalungkot niya, at sa lungkot itinusukan niya ang kanyang mga mata ng isang papat, na bumulag sa kanya.

Katapusan

Kasama ng kanyang anak na si Antigona, umalis si Edipo ng Tebas upang mawala na rin ang salot doon. Habang ang kanyang mga anak namang sina Eteokles at Polinise ay nagkasundong maghati sa paghahari ng Tebas; bawat isa sa kanila ay makakakuha ng salit-salitang isang taon upang maghari. Ngunit noong dumating ang panahon ng pagtatapos ng paghahari ni Eteokles, ayaw niya pa rin ito ibigay sa kapatid niyang si Polinise. Dahil doon nagpatayan silang dalawa, at namuno ang kapatid ni Yokastang si Kreonte sa kaharian.