Kasalukuyan
"Anupa't s mutok[1] yaring puso; at nang ang kamandag na nakapupuno, saumamang dumaloy sa agos ng dugo."[2]
"May dalawang buwang hindi nakatikim ako ng linamnam ng payapa't aliw; ikalawang sulat ni ama'y dumating, sampu ng sasakyang sumundo sa akin."
"Saad sa kalatas ay biglang lumulan at ako'y umuwi sa Albanyang bayan; sa aking maestro[3] nang nagpaalam, aniya'y Florante, bilin ko'y tandaan."
"Huwag malilingat at pag-ingatan mo ang higanting handa ng Konde Adolfo; pailag-ilagang parang basilisko, sukat na ang titig ng mata'y sa iyo."
"Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha't may pakitang-giliw, lalong pag-ingata't kaaway na malihim, siyang isaisip na kakabakahin."
"Dapuwa't huwag kang magpahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa; ang sasadatahi'y lihim na ihanda, nang may ipagtanggol sa araw ng digma."
"Sa mawika ito, luha'y bumalisbis at ako'y niyakap na pinakahigpit; huling tagubilin: bunso'y katitiis at hinihinta ka ng maraming sakit."
"At mumulan mo na ang pakikilaban sa mundong bayaning punong kaliluhan' hindi na natapos at sa kalumbayan, pinigil ang dila niyang nagsasaysay."
"Nagkabitiw kaming malumbay kapwa, tanang kaesk'wela mata'y lumuluha; si Menandro'y labis ang pagdaralita, palibhasa'y tapat na kapuwa bata."
"Sa pagkakalapat ng balikat namin, ng mutyang katoto'y 'di bumitiw-bitiw hanggang tinulutang sumama sa akin ng aming maestrong kaniyang amain."
"Yaong paalama'y anupa't natapos at pagsasaliwan ng madlang himutok; at sa kaingaya'y gulo ng adiyos, ang buntung-hininga ay nakikisagot."
"Magpahanggang daong ay nagsipatnubay ang aking maestro't kasamang iiwan; humihip ang hangi't agad nahiwalay sa pasig[4] Atenas ang aming sasakyan."
"Bininit sa busog ang siyang katulad ng tulin ng aming daong sa paglalayag, kaya 'di nalaon paa ko'y yumapak sa dalampasigan ng Albanyang S'yudad[5]."
ng sing-isang dusa; kami ay dinatnang nagkakayakap pa niyong embahador ng bayang Krotona."
|
Orihinal
Anopa,t, sa bangís ng dusang bumugsò minamasaráp cong mutóc yaring púsò at ng ang camandág na nacapupunò sumamang dumaloy sa ágos ng dugò.
May dalauáng buang hindî nacatiquím acó ng linamnám ng payapa,t, aliu, icalauang súlat ni ama,i, dumatíng sampo ng sasakiang sumundo sa aquín.
Saád sa calatas ay bigláng lumulan at acó,i, omoui sa Albaniang bayan sa aquing Maestro ng napaaálam aniya,i, "Florante bilin co,i, tandaan.
Houag malilin͠gat, at pag ingatan mo ang higantíng handâ ng Conde Adolfo pailág-ilágang parang baselisco súcat na ang titig na matáy sa iyó.
Cun ang isalubong sa iyóng pagdating, ay masayáng muc-ha,t, may paquitang giliu, lalong paingata,t, caauay na lihim siyang isa-isip na cacabacahin.
Dapoua,t, houag cang magpapahalatá taróc mo ang lalim n͠g caniyang násà ang sasandatahi,i, lihim na ihandâ, n͠g may ipagtangol sa arao ng digmâ.
Sa mauica itó lúha,i, bumalisbís, at acó,i, niyacap na pinacahigpít, hulíng tagubilin "bunsó,i, catiti-is at hinhintay ca ng maraming sáquit.
At mumul-án mona ang paquiquilaban sa mundóng bayaning púnong caliluhan" hindî na natapus, at sa calumbayan piniguil ang dilà niyang pagsasaysáy.
Nagca-bitiu caming malunbáy capouá tanáng ca-escuela mata,i, lumuluhà si Minandro,i, labis ang pagdarálitâ palibhasa,i, tapát na capouà batà.
Sa pagca-calapat n͠g balicat namin ang mut-yáng catoto,i, di bumitiu-bitiu hangang tinulutang sumama sa aquin ng aming maestrong caniyang amaín.
Yaóng pa-alama,i, anopa,t, natapos sa pagsasaliuan n͠g madláng himutóc, at sa cain͠gaya,t, guló n͠g adios ang buntóng hinin͠gá ay naquiquisagót.
Mag pahangang daóng ay nagsipatnubay ang aquing maestro,t, casamang iiuan; homihip ang han͠gi,t, agád nahiualáy sa pasig Atenas ang aming sasaquián.
Bininit sa búsog ang siyang catulad n͠g túlin n͠g aming daóng sa paglayag, cayá dî nalaon paá co,i, yumapac sa dalampasigan ng Albaniang Ciudad.
Pag-ahon co,i, agád nagtuloy sa Quinta, dî humihiualay ang catotong sintá; pag-halíc sa camáy n͠g poong cong Amá. lumala ang sáquit n͠g dahil cay Iná.
Nagdurugong mulî ang sugat n͠g púsò humiguít sa una ang dusang bumugsò, nauicang casunód n͠g lúhang tumulò ¡ay Amáng! casabay n͠g báting ¡ay bunso!
Anopa,t, ang aming búhay na mag amá nayapus n͠g bangís n͠g sing-isang dusa, cami ay dinatnáng nagcacayacap pa niyaóng Embajador n͠g bayang Crotona.
|