Florante at Laura/Kabanata 18/Paliwanag
←Bilin Ko'y Tandaan ←Paliwanag |
Dakilang Pagpapasakit (Paliwanag) |
Kagandahang Makalangit→ Paliwanag→ |
Sa pagsasalaysay ni Florante, matapos nilang magkita ng kanyang amang si Duke Briseo sa huling kabanata, nagpunta naman sila sa palasyo ng Haring Linceong upang dalhin ang sulat mula sa hari ng Krotonang biyanan ni Briseo. Sa sulat na iyon, humihingi ng tulong ang Krotona sa Albanya dahil ito ay kasalukuyang sakop ng isang hukbong Persyano sa ilalim ng pamumuno ng Heneral Osmalic, isang magaling na mandirigma ayon sa mga sabi-sabi, at sa galing niya ay pumapangalawa raw siya kay Alading hinahangaan naman ni Florante.
Lingid sa kaalaman ni Florante, ang kanyang pinagsasalaysayan ay si Aladin mismo. Ito ay dahil hindi pa nakakapagpakilala si Aladin. Dahil naman sa pagpupuring iyon, napangiti si Aladin, at, sa pagpapakumbaba, ipinag-alinlangan ang katotohanan ng mga balitang ayon sa kanya ay karaniwang di-totoo at mayroon nang dagdag.
Nang nagkita-kita na silang tatlo, sina Briseo, Florante at Linceo, isinabi ni Linceo kay Florante na matagal niya nang ipinapangarap na maging haligi si Florante ng kanyang setro at kaharian; sa ibang salita, ihinihiling ni Linceo na maging tagapagmana niya si Florante ng kapangyarihan.
Sunod namang itinanong ni Linceo kung sino ang kasama ni Briseo. Sumagot naman si Briseo sa pagsasabing siya ang bugtong niyang anak, si Florante, at inihandog din ni Briseo si Florante kay Linceong maging isa sa mga alagad niya. Sa pagkamangha ni Linceo, iniyakap niya si Florante, at agad niya ring ginawang isang heneral ng kanyang hukbong dadalo sa Krotonang isinakop ng mga Moro si Florante. Sa huli, bilang pagpipilit sa pagsang-ayon ni Florante, hinamon niya si Florante patotohanang hindi ang sarili niya ang ipinapangarap niyang mandirigmang matapang na maglalathala sa sansinukuban ng kanyang kapurihan at kapangyarihan, at dapat lamang na lumaban siya sa Krotona dahil lolo niya ang hari niyon.
Dahil sa lahat ng iyon, umoo si Florante, hindi sa pagbigkas kundi sa pagyakap ng mga binti ni Linceo ngunit siya ay ipinigilan niya, at muli siyang niyakap.