Kasalukuyan
"Nag-upuan kami[1]'t saka nagpanayam ng bala-balaki't may halagang bagay, nang sasalitin[2] ko ang pinagdaanan sa bayang Atenas na pinanggalingan."
"Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng ningning ang talang kaagaw ni Benus — anaki ay bagong umahon sa bubog, buhok ay naglugay sa perlas na batok."
"Tuwang pangalawa kung hindi man langit ang itinatapon ng mahinhing titig; o, ang luwalhating buko[3] ng ninibig[4], pain ni Kupidong walang makarakip."
"Liwanag ng mukha'y walang pinag-ibhan kay Pebo kung anyong bagong sumisilang; katawang butihin ay timbang na timbang at mistulang ayon sa hinhin ng asal."
"Sa kaligayaha'y ang nakakaayos — bulaklak na bagong iwinahi ng hamog; anupa't sinumang palaring manood, patay o himala kung hindi umirog."
"Ito ay si Laurang ikinasisira ng pag-iisip ko tuwing magunita, at dahil nang tanang himutok at luha — itinotono ko sa pagsasalita."
"Anak ni Linceong haring napahamak at kinabukasan na'ng aking pagliyag; (bakit itinulot, Langit[5] na mataas na mapanood ko kung 'di ako dapat?)[6]"
"(O Haring Linceo, kundi mo pinilit na sa salitaan nati'y makipanig, ng buhay ko disi'y hindi nagkasakit ngayong pagliluhan ng anak mong ibig!)"
"(Hindi katoto ko't si laura'y 'di taksil, aywan ko kung ano't lumimot sa akin! Ang palad ko'y siyang alipusta't linsil, 'di lang magtamo ng tuwa sa giliw.)"
"(Makakapit kaya ang gawang magsukab sa pinakayaman ng langit sa dilag? Kagandaha'y bakit 'di makapagkalag ng pagkakapatid sa maglilong lakad?)"
"(Kung nalalagay kay, ang mamatuwirin, sa laot ng madlang sukat ipagtaksil, dili ang dangal mo'ng dapat na lingapin, mahigit sa walang kagandaha't ningning?)"
"(Ito ay hamak pa bagang sumansala ng karupukan mo at gawing masama? Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak naman kung marapa.)"
"O bunying gererong naawa sa akin, pagsilang na niyong nabagong bituin, sa pagkakita ko'y sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong sa ina ko'y hain."
"Anupa't ang luhang sa mata'y nanagos[7] ng pagkaulila sa ina kong irog, natungkol sa sinta't puso'y nangilabot, baka 'di marapat sa gayong alindog."
"Hindi ko makita ang patas na wika sa kaguluhan ko't pagkawalandiwa, nang makiumpok na'y ang aking salita, anhin mang tuwirin ay nagkakalisya."
"Nang malutas yaong pagsasalitaan ay wala na akong kamaharlikaan; kaluluwa'y gulo't puso'y nadadarang sa ningas ng sintang bago kong natikman."
Nang aking makita ang tatlong pusa
Kumuha ako ng baka
Bumili ako ng patola
Isinako ang mga bata
Hindi ko maintindihan
Mayroon kang kapansanan
Ako ay natutuwa
Sisipain kita
Aking nararamdaman, dami ko ng dahilan
Di ko malaman kung pano pakakawalan ang
Pinakamatigas na burat sa Pilipinas pati na sa Asia
Tinalo ko pa ang punong narra
|
Orihinal
Nag-upuán cami,t, sacá nag panayám nang balabalaqui,t, may halagáng bagay, nang sasalitín co ang pinag-daanan sa bayang Atenas na pinangalin͠gan.
Siyang pamimitác at cúsang nag sabog nang ningning, ang tálang ca-agáo ni Venus, anaqui ay bagong umahon sa búbog, buhóc ay nag lugay sa perlas na bátoc.
Touáng pan͠galauá cong hindî man Lan͠git ang itinapon nang mahinhing titig, ó ang lualhating búcó nang ninibig pain ni Cupidong ualáng macáraquip.
Liuanag nang muc-há,i, ualang pinag-ibhan, cay Febo cong anyóng bagong sumisilang, catao-ang butihin ay timbáng na timbáng at mistulang ayon sa hinhín nang ásal.
Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos bulaclác na bagong uinahi nang hamóg, anopa,t, sino mang paláring manoód pátay ó himalâ cong hindî umirog.
Itó ay si Laurang iquinasisirà nang pag-iisip co touing magunitâ, at dahil nang tanáng himutóc at luhà itinutuno co sa pagsasalitâ.
Anac ni Linceong haring napahámac, at quinabucasan nang aquing paglíyag: baquit itinulot lan͠git na mataás, na mapanoód co, cong dî acó dapat?
¡O haring Linceo cong dî mo pinilit na sa salitaan nati,i, maquipanig ang búhay co disi,i, hindî nagcasáquit ngayong pagliluhan nang anác mong ibig!
Hindî catoto co,t, si Laura,i, dî tacsíl ¡aiuan cong ano,t, lumimot sa aquin! ang pálad co,i, siyang alipusta,t, linsil di laáng magtamó nang touâ sa guiliu.
¿Macacapit caya ang gauang magsucab sa pinacayaman nang lan͠git sa dilág? cagandaha,i, báquit di macapagcalág nang pagca capatid sa maglilong lácad?
Cong nalalagáy ca ang mamatouirín, sa láot nang madláng súcat ipagtacsíl, ¿dili ang dan͠gal mong dapat na lingapin mahiguit sa ualáng cagandaha,t, ningning?
Itó ay hámac pa bagáng sumangsalà ng carupucán mo, at gauíng masama? ng taás, n͠g pagcadaquilà, siyaring lagapác namán cong marapá.
O bunyíng guerrerong! na-auà sa aquin, pag silang na niyaong nabagong bitoín, sa pagcaquita co,i, sabáy ang pag guiliu, inagao ang púsong sa Iná co,i, hain.
Anopa,t, ang lúhang sa mata,i, nanágos nang pagca-ulila sa Iná cong irog, na tungcol sa sintá,t, púso,i, nan͠gilabot bacâ di marapat sa gayóng alindóg.
Hindî co maquita ang patas na uicà sa caguluhan co,t, pagca-ualáng diuà nang maqui-umpóc na,i, ang aquing salitâ, anhin mang touirin, ay magcacalisiyâ.
Nang malutas yaóng pagsasalitaan, ay ualâ na acóng camahad-licaan, caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng sa nin͠gas nang sintang bago cong naticmán.
|