Florante at Laura/Kabanata 8/Paliwanag
←Pagdating ng Moro sa Gubat ←Paliwanag |
Paghahambing sa Dalawang Ama (Paliwanag) |
Sa Harap ng Panganib→ Paliwanag→ |
Buod
“ | ” | |
Kagaya ng sinabi sa huling pagpapaliwanag, matapos magsalaysay ni Aladin tungkol sa kanyang nakaraan bago siya pumunta sa gubat, mistulang sinagot ito ng mga panaghoy ni Florante sa kabilang bahagi ng gubat. Ang mga panaghoy na itong narinig ni Aladin, na nagpapahiwatig na hindi lamang siya ang tanging tao sa gubat na iyon, ay ikinagulat niya. Dahil doon, hinangad niyang hanapin kung sino ang pinagmulan niyon, ngunit hindi niya nakita ang pinagmulan ng mga panaghoy. Matapos ang ilang sandali, narinig niya nanaman ito. Lalo niyang ikinagulat ito. Sa huli, tinanong niya kung sino nga ang nananaghoy, at nagsalaysayan silang dalawa; ang parehong pagsasalaysay ng dalawa ay umiikot sa kani-kanilang mga ama.
- Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Duke Briseo
Patungkol
Ang Duke Briseo ['duke brɪ'sɛjo] ay ang ama ni Florante, at pansariling tanungan ng hari ng Albanya. Para kay Florante, walang kaparis ang kanyang amang Duke Briseo, nagpapahiwatig ng malalim na pagmamahal niya alang-alang sa Duke.
Pagkamatay
“ | ” | |
Natapos ang buhay ni Duke Briseo dahil sa kasamaan at pagpapasakit na inihahatid ni Konde Adolfo. Pinatay ang Duke Briseo ng mga tauhan ng Konde Adolfo; mabilis na pinugot ang kanyang ulo, na sa bilis ay hindi pa siya nakapagdadasal, pinugutan na siya, naghiwalay-hiwalay ang kanyang lamang loob at buto sa isa at isa, marahil isang pagmamalabis lamang upang ilarawan ang pagpapasakit na ginawa sa Duke, at ipinagtapunan ang kung ano ang natira sa kanya at mga pinugot mula sa kanya nang wala, nagpapahiwatig na hindi man lamang inilibing ang Duke. Mas bibigyanlinaw ang pagkamatay ng Duke Briseo sa pagsasalaysay ni Laura.
Ang pagkamatay ni Duke Briseo ay lubhang ikinalungkot ni Florante. Sa pagsasalaysay niya, parang nakikita at naririnig niya ang kanyang ama, at ang mga sigaw ng pagpapasakit ng kanyang ama. At ayon kay Florante, higit na nanaisin pa ng kanyang amang mamatay si Florante sa digmaan kaysa mahulog sa mga malulupit na kamay ni Adolfong higit pa sa halimaw. Dahil sa pagkamatay na ito at ang iba pang mga masasaklap na bagay na nangyari kay Florante, kagaya ng pagkakagapos niya ngayon sa puno ng Hegira, lalo pang naniniwala ngayong malapit na ang kanyang kamatayan.
- Punong artikulo: Sultan Ali-Adab
Ang Sultan Ali-Adab [sul'tan 'aliˌadab] ang ama ni Aladin. Inilalarawan ang Sultan, bilang isang malupit na ama. Ito ay dahil ang dahilan kaya nasa gubat si Aladin ay bunga ng pagpapalayas niya mula sa Persyang iniutos ng kanyang ama. Ang dahilan naman sa pagpapalayas na ito, at ang pangungusap niya sa dalawang huling saknong ay ang pang-aagaw ng kanyang ama kay Flerida, ang kanyang katipan. Mas bibigyanlinaw ito sa mga huling kabanata.