Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 7/Paliwanag

Mula Wikibooks
Paggunita sa Nakaraan
Paliwanag
Pagdating ng Moro sa Gubat
(Paliwanag)

Paghahambing sa Dalawang Ama
Paliwanag

Buod

Panimula

Isang estatuwa, maihahambing sa di-paggalaw ni Aladin

Ilang saglit pagkatapos ng mga panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang masaklap na nakaraan, na isinaad sa mga huling kabanata, mayroong isang bagong tauhang dumating sa kagubatan. Siya si Aladin, isang Morong Persyano.

Mga ginawa ni Aladin

Noon nakarating na si Aladin sa kagubatan, bigla siyang tumigil at nagtanaw-tanaw, parang ng sa pagpapahinga, nagtapon ng kanyang mga kagamitang pandigma, at nagdaop ng mga kamay upang isipin ang kanyang sawing buhay habang nakatingala sa kalangitan nang di-gumagalaw, kagaya ng isang estatuwa, at walang tigil ang pagbuntung-hininga. Nang nangalay na si Aladin sa kanyang posisyon, umupo na siya sa isang kahoy, at napaluha, muli, dahil sa kanyang sawing buhay. Makailang posisyon ang kanyang naisagawa matapos iyon, lahat sumisigaw ng kanyang mga panaghoy ng hinagpis para dahil at para kay Flerida, ang kanyang minamahal, habang lumuluha. Ngunit sa huli, kanyang inihayag na hindi niya papahintulutan itong matuloy.

Matapos ang lahat ng iyon, nagsimula na ang mahabang pagsasalaysay ni Aladin ng kanyang mga isinasaisip na parang sinagot ng mga panaghoy ni Floranteng nakagapos sa kabilang bahagi ng gubat.

Persya

Patungkol

Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Aladin

Si Aladin [ala'din] ay isang mandirigmang Morong Persyanong napadpad sa gubat dulot ng pagpapalayas ng kanyang amang Sultan Ali-Adab sa kanya mula sa Persya. Ang pagpapalayas na ito ay bunga ng kanyang pagmamahal kay Flerida.

Pagpapahayag

Sa ikawalong saknong, nagsimula na ang mga pagpapahayag ni Aladin. Ibinanggit niyang kundi ang ama niyang Sultan Ali-Adab ang umagaw kay Flerida, marahil, pinatay niya na ito gamit ang kanyang sibat sa ilalim ng lubha niyang galit, na kanyang inihambing sa matinding galit ng mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Griyego at Romano si Marte, Romanong diyos ng digmaan, at ang mga Puryas, mga Griyegong diyosang namamalagi sa impiyerno. Isinisisi niya ang panlililong itong ginawa mismo ng kanyang sariling ama sa pag-ibig na, ayon kay Aladin, hahamakin at ipagmamasamaan ang lahat, pati ang mga dakila, upang masunod lamang.