Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 4/Paliwanag

Mula Wikibooks
Pagbubukas
Paliwanag
Masamang Kapalarang Sinapit
(Paliwanag)

Panibugho sa Minamahal
Paliwanag
Isang geyser, isang uri ng mainit na bukal na malakas na nagbubuga ng tubig, maihahambing sa mga luha ni Florante
Ang bandila ng ikalawang Kaharian ng Albanya, ang pagbabalik ng naunang kaharian noong nagtapos ang pagnanakop sa Albanya ng Imperyong Otomano

Kalungkutan

Bilang binatang nakagapos sa puno ng Higera, si Florante ay kasalukuyang nasa ilalim ng masidhing kalungkutan; makikita ito sa kanyang lubhang pag-iyak na inihahambing sa isang bukal. Ang kalungkutang ito ay bunga ng mga kaliluhang sinapit niya, ng kanyang mga minamahal at Albanya; ang mga ito ay higit na malalim na ipapaliwanag sa mga sumusunod na kabanata.


Sa panahon ng pagkakagapos ni Florante, ang Albanya ay nasa ilalim ng napakalaking gulo simula nang umupo sa trono ang mang-aagaw na Konde Adolfo na pumatay sa totoong hari ng Albanya.

Sa kahariang ito ang kasamaan at kaliluhan ang namamayani. Ang kabutihan ay natatahimik. Ang mga magagaling ay inililibing nang walang kabaong at ang mga mabubuti at nagsasabi ng totoo ay pinapapatay.