Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 27/Paliwanag

Mula Wikibooks
Kamatayan sa Palaso ni Flerida
Paliwanag
Pagwawakas
(Paliwanag)

Pangkalahatang buod

Isang makabagong kanluraning Kristiyanong kasal

Ang kabanatang ito ay anglagom mga nangyari matapos magkita-kita ang apat na nag-iibigang sina Aladin at Flerida, at sina Florante at Laura sa gubat.

Nasasaad sa kabanatang itong habang nagsasalita si Flerida roon sa huling kabanata, biglang dumating ang isang hukbong naghahanap kay Adolfong, malamang upang bilangguin o parusahan, mula sa Etolya; ang hukbong ito ay pinamumunuan ni Menandro, kaya naman ang pagdating nito ay lubhang ikinasaya ni Florante dahil si Menandro ang kanyang matalik na kaibigan, at ang parehong hukbong kumubkob sa Albanya, at nagpatalsik kay Adolfo mula sa trono. Isinigaw ng hukbong ito ang kanilang paggalang sa mga bagong pinuno ng Kaharian ng Albanyang sina Florante at Laura.

Matapos niyon, bumalik sila sa kaharian, at doon ipinagdiwang ang pagbibinyag nina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo, at ang kanilang pagpapakasal, pati na rin ang kina Florante at Laura. Tumagal ang panahon, at namatay na rin ang Sultan Ali-Adab, ang ama ni Aladin, kaya umuwi na siya at si Flerida pabalik ng Persya upang maging bagong pinuno nito. Sa pamumuno ni Florante bilang bagong hari ng Albanya, naging mapayapa ang kaharian hanggang sa kanyang kamatayan.