Pumunta sa nilalaman

Florante at Laura/Kabanata 26/Paliwanag

Mula Wikibooks
Sa Ngalan ng Pag-ibig
Paliwanag
Kamatayan sa Palaso ni Flerida
(Paliwanag)

Pagwawakas
Paliwanag

Lagom

Yaong gubat na malungkot, sa apat ay naging paraiso'y lugod. ... dininig ng tatlo kay Laurang buhay.

Francisco Balagtas, Florante at Laura

Sa kabanatang ito, isinasalaysay ni Laura kina Aladin, Flerida at Florante ang mga nangyari noong umalis si Florante upang bawiin ang Etolya mula sa mga Turkong mananakop; sa pagsasalaysay na ito, ibinibigyanlinaw ang pagkamatay ng Haring Linceo at Duke Briseo, at ang pagkamit ng Konde Adolfo ng lubos na kapangyarihan. Ito ay habang si Flerida ay nagsalaysay din ng tungkol naman sa kung paano niya iniligtas si Laura mula sa kahalayan ni Adolfo.

Mga pagsasalaysay

Paglakas ni Adolfo

Pangmatagalang nakakasira ng mga bahagi ng katawan ang pagkagutom kaya karaniwan itong inaayawan

Ayon kay Laura, noong kakaalis pa lamang ni Florante sa Albanya papuntang Etolya upang bawiin ito sa mga Turkong mananakop, mayroong isang sabi-sabing napakabilis na kumakalat. Sa sabi-sabing itong karaniwang ipinapalagay na ipinakalat ni Adolfo o ng kanyang mga lingkod sa ilalim ng kanyang utos, isinasabing iniutos daw ng Haring Linceong harangan ang imbakan ng kakanin at trigo, ang pangunahing pagkain ng karamihan ng mga kalinangan, upang gutumin ang mga mamamayan ng Albanya. Sa paniniwala at galit ng taumbayan, sila ay nagwelgang mamatay ang Haring Linceo. Ginamit ni Adolfo ang paniniwalang ito upang agawin ang kapangyarihan, at bilang bagong hari ng Albanya, iniutos niya ang pagpugot ng Haring Linceo, at ng kaginoohan, kasama na roon ang Duke Briseo; ngayon nalaman na rin ni Florante ang buong salaysay ng pagkamatay ng kanyang ama.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, ipinilit ni Adolfong ibigin siya ni Laura kundi siya ay mamamatay. Humingi ng limang buwang taning si Laura upang makapagpasya, ito ay upang patagalin ang kanyang pagsagot, at upang mahintay pa ang pagbalik ni Florante dahil sa kanyang sulat na gagawing humihiling ng pagbalik ni Florante. Kundi man makabalik si Florante, higit na pipiliin niya pa raw na magpakamatay.

Matapos ang isang buwan, nakatanggap si Florante ng isang sulat na kanyang isinunod, hindi ang mula kay Laura kundi ang pamatibong na sulat ng Konde Adolfong humihiling ng kanyang pagbalik nang mag-isa, at lubhang ikinalungkot ito ni Laura. Dahil hindi si Florante ang nakatanggap ng sulat, natanggap ito ni Menandro at ng kanyang hukbo.

Isang lalakeng namamana

Pagbagsak ni Adolfo

Nang palapit na ang pagpapakamatay ni Laura, dumating naman si Menandro at ang kanyang hukbo, at kinubkob ang Albanya mula kay Adolfo. Hindi ito kayang malabanan ng Konde Adolfo, kaya, kasama ng kanyang mga lingkod, umalis siya ng Albanya nang kasama si Laura gamit ang kabayo. Idinala ni Adolfo si Laura sa gubat na ipinagsasalaysayan niya ngayon, at dito siya ay pinagtangkaang halayin ni Adolfo. Dito sa panahong ito, dumating at nagsimula nang magsalaysay si Fleridang lumigtas kay Laura sa pagpana kay Adolfo upang mapigilan siya sa kanyang balak gawin.