Kasalukuyan
"Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbay ng mga nakubkob ng kasakunaan; panganib sa puso'y naging katuwaan, ang pinto ng s'yudad pagkadaka'y nabuksan."[1]
"Sinalubong kami ng haring dakila, kasama ng buong bayang natimawa; ang pasasalamat ay 'di maapula sa 'di magkawastong nagpupuring dila."
"Yaong bayang hapo't baong nakatighaw sa nabalang bangis ng mga kaaway, sa pagkatimawa ay nag-aagawang malapit sa aki't damit ko'y mahagkan."
"Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil, bibang dugtung-dugtong ay nakikisaliw; ang gulong "Salamat, nagtanggol sa amin!" dininig sa langit ng mga bituin."
"Lalo na ang tuwa nang ako'y matatap na apo ng hari nilang nililiyag; ang monarka nama'y 'di munti ang galak, luha ang nagsabi ng ligayang ganap."
"Nagsiakyat kami sa palasyong bantog at nangagpahinga ang soldadong pagod; datapwa't ang baya'y tatlong araw halos na nakalimutan ang gawing matulog."
"Sa ligaya namin ng nuno[2] kong hari, nakipagitan din ang lilong pighati; at ang pagkamatay ng ina kong pili, malaon nang lanta'y nanariwang muli."
"Dito naniwala ang bata kong loob na sa mundo'y walang katuwaang lubos; sa minsang ligaya't tali na'ng kasunod — makapitong lumbay hanggang matapos."
|
Orihinal
Tagumpáy na ito,i, pumauí nang lumbáy nang man͠ga nacubcób nang casacuna-an panganib sa púso,i, naguíng catoua-án; ang pintô nang Ciudad pagdaca,i, nabucsán.
Sinalubong camí nang Haring daquilá casama ang boong bayang natimaua ang pasasalamat ay dî ma-apula sa di magca-uastóng nagpupuring dilà.
Yaóng bayang hapo,t, bagong nacatigháo sa nagbálang bangis nang man͠ga ca-auay sa pagca-timauà ay nag-aagauáng málapit sa aqui,t, damít co,i, mahagcán.
Sa lacás nang hiyao nang famang matabil vivang dugtóng-dugtóng ay naquiquisaliu ang gulang salamat nagtangól sa amin. dinin͠gig sa Langit n͠g m͠ga bituin.
Lalò na ang touâ nang aco,i, matatap na apó nang hari nilang liniliyag ang monarca nama,i, dî muntî ang galác lúhà ang nagsabi nang ligayang ganáp.
Nagsi-akiát camí sa palaciong bantóg at nangag-pahin͠gá ang soldadong pagód, dapoua,t, ang baya,i, tatlong arao halos na nacalimutan ang gauíng pagtulog.
Sa ligaya namin nang nunò cong harì naquipag-itan din ang lilong pighatî at ang pagcamatáy nang Ina cong pilî malaon nang lantá,i, nanariuang mulî.
Dito naniuala ang batà cong loob na sa mundo,i, ualang catoua-áng lubós, sa minsang ligaya,i, talì nang casunód, macapitóng lumbáy ó hangang matapos.
|