Florante at Laura/Kabanata 23/Paliwanag
Ilang buwan nang nabawi na nina Florante ang Albanya mula sa mga Moro, may mga nagbabanta nanamang mangmanakop sa Albanya at mga karatig-bansa nito. Ang Heneral Miramolin na isang Turkong gerero. Ikinababahala ito ni Laura nang lubha sa pag-aalalang maaaring umalis na naman upang mang digma ng mga mananakop.
Bagaman ikinakatakot ni Laura, inatasan si Florante ng haring bilang heneral kaya tungkulin at kailangan niya talagang kalabanin ang mga mananakop. Muli sa digmaang ito kasama niya si Menandro, ang kanyang matalik na kaibigan sa pakikibaka. Sa katapusan ng kanilang maraming pakikibaka, 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, kakatapos pa lamang ng kanilang pagkapanalo sa Etolya, nakatanggap si Florante ng isang sulat na mula raw kay Haring Linceo; ngunit malalaman niya rin sa bandang huli ng kabanata, at sa pagsasalaysay ni Laurang ito ay hindi totoo. Sa sulat na iyon, iniuutos ang kanyang pag-uwi nang mag-isa habang ang kanyang hukbo ay ipapaubaya kay Menandro. Sa paniniwala ni Florante, kanyang isinunod ang nasasaad sa liham.
“ | at uhaw sa aking dugo ang yumakag sa puso ng Konde sa gawang magsukab" |
” |
Dumating siya sa Albanya nang kagabihan, at sa pagdating niyang iyon mabilis na mabilis siyang kinubkob ng 30,000 mandirigmang sa bilis ay hindi man lamang nakapalag si Florante; marahil isa lamang itong pagmamalabis. Matapos niyon, siya ay nakagapos na piniit nang 18 araw sa isang kulungan, at sa hindi isinalaysay na paraan, nalamang mga tauhan ni Adolfo ang dumakip sa kanya, at sa ilalim ng utos ni Adolfo, ipinapatay ang Haring Linceo at ang Duke Briseo, ang ama ni Florante. Ayon kay Florante, ginawa ito ni Adolfo dahil sa kanyang nasang yumaman, maging tanyag na hari, at mamatay si Florante.
“ | ” | |
Ngayon, si Adolfo na ang hari at may-kapangyarihan; higit na bibigyanlinaw ito sa mga sunod na kabanata. Ito naman ay inilalarawan ni Florante bilang isang masamang naghahangad-yamang haring mariing hampas ng Langit sa bayan ng Antipolo. Dito rin sinimulan nang paniwalaan ni Floranteng siya ay ipinagpalit ni Laura para kay Adolfo.