Pumunta sa nilalaman

Usapan:Noli Me Tangere/Kabanata 64

Page contents not supported in other languages.
Magdagdag ng paksa
Mula Wikibooks

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, bukod dito siyay naging malungkutin at mapag isip. Iniutos nya naman kay tiya isabel na tipunin ang mga ari arian ni maria clara at ang kanyang may bahay pagkatapos nito ay inutusan rin siyang na siya ay magtungo na sa malabon o sa San diego dahil nais niyang mabuhay na mag isa. Nang si kapitang tiago ay mapag isa siya ay naging taliwas sa kanyang anyo noong kasikatan niya. Si Donya Victorina naman ay nag dagdag pa ng kulot sa kanyang peluka at si Don tiburcio naman ay hindi na natawag pa upang manggamot. Si linares naman ay namatay dahil sa sakit na iti. Ang alperes na may ranggobg komandante ay umuwi sa eapanya at iniwan ang may bahay na si Donya Consolacion na panay ang pag inom at paghithit ng tabako.

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Noli Me Tangere/Kabanata 64"

Magsimula ng isang usapan