Usapan:Noli Me Tangere/Kabanata 36
Magdagdag ng paksaAng mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod. Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.
KENNETH MONSERRATE
Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Noli Me Tangere/Kabanata 36"
Sa mga pahina ng usapan ang lugar kung saan pinag-uusapan ng mga indibiduwal kung paano gumawa ng nilalaman sa Wikibooks sa pinakamabuting paraan. Maari mong gamitin ang pahinang ito upang magsimula makipag-usap sa ibang indibiduwal tungkol kung papaano mapabuti ang Noli Me Tangere/Kabanata 36. Alamin pa