Noli Me Tangere/Kabanata 36
←Kabanata 35: Usap-Usapan ←Paliwanag |
Kabanata 36: Unang Ulap Paliwanag |
Kabanata 37: Ang kaniyang Kataas-taasan→ Paliwanag→ |
Teksto
Unang Ulap |
Ang Unang Dilim Hindi sahól ang ligalig na naghahari sa bahay ni capitang Tiago sa caguluhan ng̃ pag-isip ng̃ mg̃a tao. Waláng guinágawâ si María Clara cung dî tumang̃is at áyaw pakinggan ang mg̃a salitáng pang-alíw ng̃ canyang tia at ni Andéng na canyáng capatíd sa gátas. Ipinagbawal sa canyá ng̃ canyáng amá ang pakikipag-úsap cay Ibarra, samantalang hindî kinácalagan itó ng̃ mg̃a sacerdote ng̃ "excomunión." Si capitang Tiago na totoong maraming guinagawâ sa paghahandâ ng̃ canyáng báhay, upang matanggap doón ng̃ carapatdapat ang Capitán General ay tinawag sa convento. —¡Huwág cang umiyác anác co!—ang sinasabi ni tía Isabel, na pinupunasan ng̃ gamuza ang maniningning na mg̃a salamíng pang̃áninuhan; siya'y cácalagan ng̃ excomunión, mang̃agsisisulat sa Santo Papa ... magbibigay táyo ng̃ malakíng limós ... Hinimatáy lamang si párì Damaso ... ¡hindî namátay! —¡Huwag cang umiyac!—ang sábi sa canyá ni Andéng ng̃ paanás;—gágawâ acô ng̃ paráan upang siya'y iyong macausap; ¿anóng cadahilana't itinatág ang confesionario, cung dî ng̃ gumawá ng̃ casalanan? ¡Súcat na ang sabihin cura sa upang ipatawad na lahát! ¡Sa cawacasa'y nagbalic si capitang Tiago! Hinánap ng̃ mg̃a babáe sa mukhá niyá ang casagutan sa maráming tanóng; datapuwa't nagbabalità ang mukhá ni capitang Tiago ng̃ panglulupaypáy ng̃ lóob. Nagpapawis ang abang laláki, hinahaplos ang nóo at hindî macapang̃úsap ng̃ isáng salita man lamang. —¿Ano ang nangyari, Santiago?—ang tanóng ni tia Isabel na malaki ang pagmimithi. Sumagót ito ng̃ isáng buntóng-hining̃a, at pináhid ang isáng lúhà. —¡Alang-alang sa Dios, magsalitá ca! ¿Anó ang nagyayari? —¡Ang aking ipinang̃ang̃anib na ng̃a!—ang sa cawacasa'y sinábing pabulalás na halos umiiyac. ¡Napahamac ng̃ lahat! Iniuutos ni párì Dámaso na sirain ang mg̃a salitaan, sa pagca't cung hindî'y ¡mapapacasama raw acó sa búhay na itó at sa cabiláng búhay! ¡Gayon din ang sábi sa ákin ng̃ lahát, patí ni párì Sibyla! Hindî co dápat papanhikin siyá sa aking báhay, at may útang acó sa canyang mahiguit na limampóng libong píso! Sinabi co itó sa mg̃a pari, dapuwa't hindî nilá acó pinansin: ¿Alín ba ang ibig mong mawalâ, ang sabi nila sa akin,—limampóng libong píso ó ang iyong búhay at ang iyóng cáluluwa? ¡Ay, San Antonio! ¡cung nalalaman co lámang ang gayón! ¡cung nalalaman co lamang ang gayón! Humáhagulgol si María Clara. —Huwág cang umiyác, anac co,—ang idinugtóng at lining̃on niyá itó;—hindî ca gáya ng̃ nanay mong hindî umiiyac cailan man ... hindî umiiyac cung dî sa paglilihí ... Sinasabi sa ákin ni párì Dámasong dumating na raw ang isáng camag-ánac niyáng gáling sa España na siyáng itinátalagang mang̃ibig sa iyó ... Tinacpan ni María Clara ang canyáng mg̃a taing̃a. —Ng̃úni, Santiago, ¿nasisira na ba ang ísip mo?—ang sigáw ni tía Isabel; ¿dapat bang magsabi ca sa canyá ang ibang mang̃ing̃ibig? ¿Inaacalà mo bang nagbabago ang anác mo ng̃ mg̃a mang̃ing̃ibig na gaya ng̃ pagbabago ng̃ báro? —Iyán din ng̃a ang iniisip co Isabel; si don Crisostomo'y mayaman ...¡cayâ lámang nagaasawa ang mg̃a castila'y sa pag-ibig sa salapi ... datapuwa't ¿anó ang ibig mong aking gawín? Pinagbalaan nilá acông lapatan ng̃ isá ring excomunion ... sinasabi niláng lubhâ raw nang̃ang̃anib, hindî lámang ang akíng cáluluwa, cung dî namán ang aking catawán ...¡ang catawán! ¿naririnig mo? ¡ang catawán! —¡Ng̃uni't walâ cang guinagawâ cung dî pasama-ín ang lóob ng̃ iyóng anác! ¿Hindî ba caibigan mo ang Arzobispo? ¿Bákit hindî ca sumúlat sa canyá? —Ang Arzobispo'y fraile rin, waláng guinagawâ ang Arzobispo cung dî ang sinasabi ng̃ mg̃a fraileng canyáng gawin. Ng̃uni, María, huwág cang umiyác; dárating ang Capitan General, nanasain cang makita, at mamúmulá ang mg̃a mata mo ... ¡Ay! ang isip co pa nama'y magtátamo acó ng̃ isáng hápong maligaya ... cung dî lámang itong nángyaring malakíng casacunâang ito'y acó sána ang lálong maligaya sa lahat ng̃ mg̃a táo at mananagbíli sa akin ang lahát ... Tumiwasáy ca, anác co; ¡higuit ang casaliwâng palad co cay sa iyó ay hindî acó umiiyác! ¡Maaaring magcaroon ca ng̃ mang̃ing̃ibig na lálong magaling, datapuwa't acó'y mawáwalan ng̃ limampóng libong piso! ¡Ay, Virgen sa Antipolo, cung magcaroon man lámang sána acó ng̃ magandáng palad sa gabing itó! Mg̃a patóc, gúlong ng̃ mg̃a coche, tacbúhan ng̃ mg̃a cabáyo, músicang tumútugtog ng̃ marcha real ay nang̃agbalítang dumating na ang mahal na Gobernador General ng̃ Kapulùhang Filipinas. Tumacbó si María Clara at nagtágò sa canyáng tinutulugang cabahayán ... ¡cahabaghabag na dalaga! ¡pinaglalaruan ang iyóng pusô ng̃ mg̃a magagaspáng na mg̃a camáy na hindî nacakikilala ng̃ canyáng mg̃a maseselang na mg̃a cuerdas! Samantalang napúpuno ng̃ táo ang báhay at umaalíng̃awng̃áw sa lahát ng̃ mg̃a pánig ang malalacás na yabág ng̃ mg̃a lumalacad, ng̃ mg̃a tínig na naguutos, calampág ng̃ mg̃a sable at ng̃ mg̃a espuela, nahahandusay namáng hálos nacaluhód ang lipós pighatíng dalága sa harapan ng̃ isáng estempa ng̃ Vírgen, na ang pagcacalarawa'y yaóng anyô ng̃ cahapíshapis na pang̃úng̃ulila, na si Delaroche lámang ang natutong macasipî ng̃ gayóng damdamin, na wari'y napanood nitó ng̃ manggaling na si Guinoong Santa María sa pinaglilibing̃an ng̃ canyáng Anác. Hindî ang pighati ng̃ Inang iyón ang siyáng iniisip ni María Clara, ang iniisip niyá'y ang saríling capighatîan. Sa pagcâlung̃ayng̃ay ng̃ úlo sa dibdíb at sa pagcátiin ng̃ mg̃a camay sa sahig na tabla, ang azucenang hinútoc ng̃ malacás na hang̃in ang canyang nacacatulad. Isáng hinaharáp na panahóng pinanag-inip at hinimashimas na malaon, mg̃a sapantahà ng̃ budhíng sumílang sa camusmusán at lumagong casabay ng̃ canyáng paglaki at siyang nabibigay casiglahán sa caibuturan ng̃ canyáng cataóhan, ¡acalaing catcatin ng̃ayón sa baít at sa púsò sa isá lamang salita. ¡Macacawang̃is itó cung patiguílin ng̃ tibóc ng̃ púsò at bawian ang baít ng̃ canyáng liwánag! Cung paano ang cabaitan at cabanalan ni María Clara sa canyáng pagcabinyagan, gayón din ang canyáng pagcamasintahin sa canyáng mg̃a magugúlang. Hindî lámang nacapagbíbigay tácot sa canya ang excomunión ang utos ng̃ canyang ama't ang pinagbabalaang catiwasayan nito'y páwang humihing̃ing inisin niyá ang canyáng pagsintá at ihayin sa gayóng mg̃a dakílang catungcúlan. Dinaramdam niyá ang bóong lacás ng̃ pagsinta cay Ibarra, na hanggang sa sandaling iyo'y hindî man lamang niyá hinihinalà. Ng̃ minsa'y isáng ilog na umaagos ng̃ bóong cahinhinan; mababang̃ong mg̃a bulaclac ang siyang nacalalatag sa canyang mg̃a pampang̃in. Bahagyá na napaaalon-alon ng̃ bang̃in ang canyáng ágos; cung panonoori'y masasabing tumitining. Datapuwa't dî caguinsaguinsa'y cumipot ang dinaraanan ng̃ ágos, magagaspáng na mg̃a malalakíng bató ang siyáng humahadlang sa canyáng paglacad, matatandáng mg̃a púnò ng̃ cáhoy ang siyáng nacahálang na sumasala, ¡ah, ng̃ magcagayó'y umatúng̃al ang ilog, tumindig, cumulô ang mg̃a álon, nagwagwag ng̃ mandalâ ng̃ mg̃a bulâ, hinampás ang malalaking mg̃a bató at lumundág sa malálim na bang̃ín! Ibig niyá sanang manalang̃in, ng̃unit ¿sino ang macapananalang̃in pagca nagng̃ing̃itng̃it sa malakíng hirap? Nananalang̃in pagca may pag-asa, at cung wala'y nakikiusap tayo sa Dios, sa pamamag-itan ng̃ mg̃a buntóng hining̃a.—"¡Dios co! ang sigaw ng̃ canyáng púsò,—¿bákit inihihiwalay mo ng̃ ganyán ang isáng táo, bakit ikinácait mo sa canyá ang pagsintá ng̃ mg̃a iba? Hindî mo ikinacait sa canyá ang iyong araw, ang iyong hang̃in at hindî mo man lamang itinatagò sa canyáng mg̃a matá ang iyong lang̃it, ¿bakit ipagcacait mo sa canya ang pagsinta, gayóng walâ mang lang̃it, walâ mang hang̃in at walâ mang araw ay mangyayaring mabúhay, datapuwa't cung walang pagsinta'y hindî mangyayari cailan man? ¿Dumarating cayâ sa trono ng̃ Dios ang gayóng mg̃a sigaw na hindî naririnig ng̃ mg̃a tao? ¿Naririnig cayâ ang mg̃a sigaw na iyón ng̃ Ina ng̃ mg̃a sawing palad? ¡Ay! ang cahabaghabag ng̃ dalagang hindî nacakilala ng̃ isáng ina'y nang̃ang̃ahas ipagcatiwalà ang mg̃a dalamhating itóng nagbubuhat sa mg̃a pagsinta sa ibabaw ng̃ lúpà doon sa calinislinisang púsò na walang nakilala cung di ang pag-íbig ng̃ anac sa ina at ang pag-íbig sa ina sa anac; tumatacbo siya, sa canyang mg̃a cahapisan, diyan sa larawan ng̃ babaeng dinídios, sa mithing lalong cagandagandahan sa láhát ng̃ mg̃a mithi ng̃ mg̃a kinapal, diyan sa lalong caayaayang likha ng̃ religion ni Cristo, na natitipon sa canyang sarili ang dalawang lalong cagandagandahang calagayan ng̃ babae, vírgen at ina, na hindî nalahiran ng̃ cahi't babahagyang dúng̃is, na tinatawang nating María. —¡Ina!, ¡Ina!—ang canyang hibic. Lumapit si tía Isabel, na siyang cumuha sa canya sa gayóng pighati. Dumatíng ang iláng canyang caibigang babae at ibig ng̃ Capitan General na siya'y makita. —Tía, sabíhin pô ninyóng acó'y may sakít!—ang ipinakiúsap ng̃ dalagang nagugulat;—¡patutugtugin nilá acó ng̃ piano at pacacantahin! Nagtindig si María Clara, tiningnan ang canyang tía, pinilipit ang canyang magagandang bisig at nagsasalitâ ng̃ pautal: —¡Oh, cung mayroon sana acóng!... Ng̃uni't hindî tinapos ang salitâ, at nagpasimulâ ng̃ paghuhúsay ng̃ canyang saríling catawan. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Ang Unang Suliranin
- Ang Suliranin
- Suliranin
- Ang Unang Panganorin