Noli Me Tangere/Sa Aking Tinubuang Lupa
←Paunang Salita ←Paliwanag |
Sa Aking Tinubuang Lupa Paliwanag |
Kabanata 1→ Paliwanag→ |
Teksto
Sa Aking Tinubuang Lupa [k 1] Natatala sa "historya"[k 2] ng mga pagdaralita ng sangkatauhan ang isang "kanser"[k 3] na lubhang napakasama, na bahagya na lamang masalang ay humahapdi't napupukaw na roon ang lubhang makikirot na sakit. Gayon din naman, kailan mang inibig kong ikaw ay tawagin sa gitna ng mga bagong "sibilisasyon"[k 4], sa hangad ko kung minsang kaulayawin ko ang sa iyo'y pag-aalaala, at kung minsan nama'y ng isumag ko ikaw sa mga ibang lupain, sa tuwi na'y napakikita sa akin ang iyong larawang irog na may taglay ng gayon ding kanser sa pamamayan. Palibhasa'y nais ko ang iyong kagalingang siyang kagalingan ko rin naman, at sa aking paghanap ng lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamot, gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao sa una sa kanilang mga may sakit: kanilang itinatanghal ang mga may sakit na iyan sa mga baitang ng sambahan, at ng bawat manggaling sa pagtawag sa Diyos ay sa kanila'y ihatol ang isang kagamutan. At sa ganitong adhika'y pagsisikapan kong sipiing walang ano mang pakundangan ang iyong tunay na kalagayan, tatalikwasin ko ang isang bahagi ng kumot na nakatatakip sa sakit, na ano pa't sa pagsuyo sa katotohanan ay ihahandog ko ang lahat, sampu ng pagmamahal sa sariling dangal, sapagkat palibhasa'y anak mo'y taglay ko rin naman ang iyong mga kakulangan at mga karupukan ng puso. Ang Kumatha.
Europa, 1886. |
Sa Aking Tinubuang Lupa [o 1] Nátatalà sa "historia"[o 2] ng̃ mg̃a pagdaralità ng̃ sangcataohan ang isáng "cáncer"[o 3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ ng̃ mg̃a bágong "civilización"[o 4], sa hang̃ad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y ng̃ isumag co icáw sa mg̃a ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy ng̃ gayón ding cáncer sa pamamayan. Palibhasa'y nais co ang iyong cagaling̃ang siyáng cagaling̃an co rin namán, at sa aking paghanap ng̃ lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà ng̃ mg̃a tao sa úna sa canilang mg̃a may sakít: caniláng itinátanghal ang mg̃a may sakít na iyan sa mg̃a baitang ng̃ sambahan, at ng̃ bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan. At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundang̃an ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui ng̃ cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô ng̃ pagmamahál sa sariling dang̃ál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong mg̃a caculang̃án at mg̃a carupucán ng̃ púsò. Ang Cumatha.
Europa, 1886. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Sa Aking Inang Bayan
Baybayin
Talababaan
|
|