Noli Me Tangere/Kabanata 8
←Kabanata 7: Suyuan sa Isang Asotea ←Paliwanag |
Kabanata 8: Mga Alaala Paliwanag |
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay sa Paligid→ Paliwanag→ |
Teksto
Mga Alaala |
Manga Alaala Pinagdaraanan ng̃ coche ni Ibarra ang bahagui ng̃ lálong masayáng nayon ng̃ Maynilà; ang nacapagbíbigay pangláw sa canyá ng̃ gabíng nagdaan, sa liwanag ng̃ araw ay nacapagpapang̃itî sa canyá cahi't sìyá'y áayaw. Ang casayahang hindî naglílicat sa lahát ng̃ panig, ang lúbháng maraming cocheng nagpaparoo't paritong sacdal ng̃ tutulin, ang mg̃a carromata, ang mg̃a calesa, ang mg̃a europeo, ang mg̃a insíc, ang mg̃a dalisay na tagarito, na bawa't isá'y may canícanyang sariling pananamit, ang mg̃a naglalacô ng̃ mg̃a bung̃ang-cahoy at halaman, mg̃a corredor[o 1], hubád na cargador[o 2], mg̃a tindá ng̃ mg̃a cacanín, mg̃a fonda[o 3], mg̃a restaurant[o 4], mg̃a tindahan, sampô ng̃ mg̃a carretóng híla ng̃ mg̃a mápagpaumanhin at waláng damdaming calabáw na tila mandín naglílibang sa paghìla ng̃ mg̃a "bulto" samantalang naglilíninglining, ang lahát ng̃ íng̃ay at calugcóg, pati ng̃ araw, isáng amó'y na táng̃ì, ang sarisaring mg̃a culay, pawang pumupucaw sa canyáng alaala ng̃ isáng daigdig na nagugupiling na mg̃a gunità. Walâ pang latag na mg̃a bató ang mg̃a daang iyón. Dalawâng araw lamang sunód na uminít, ang mg̃a daa'y naguiguíng alabóc ng̃ tumátakip sa lahát, nag-papaubò at bumubulag sa mg̃a naglálacad: isáng araw lamang umulán ay naguiguing láwà na, ano pa't cung gabí ay naaanino roon ang mg̃a farol ng̃ mg̃a coche at tumítilamsic buhát sa limáng metrong layò sa mg̃a naglálacad sa mg̃a makikipot na mg̃a acera. ¡Gaano caraming mg̃a babae ang nang̃ag-iwan sa mg̃a along putic na iyón ng̃ caniláng mg̃a chinelas na bordado! Pagcacágayo'y nang̃apapanood na pìnípison ang mg̃a daan ng̃ hanáyhanáy na mg̃a presidiarong ahit ang ulo, na ang mg̃a mangás ng̃ baro'y maíiclî at tòcong ang salawál na may mg̃a número at may mg̃a letrang azul, sa mg̃a binti'y may mg̃a tanicaláng halos nababalot ng̃ maruruming mg̃a basahan upang huwag na totoong macasakít ang pagkiskís ó ang lamig marahil ng̃ bacal; dalawa't dalawá ang pagcacácabit, mg̃a sanág sa araw, mg̃a hapóng-hapô sa init at sa pagod, pinapagmámadalî at silá'y hináhampas ng̃ pamalò ng̃ isáng presidiario ring marahil nagcácámit casayahan, sa pagca't sa ganáng canyá nama'y nacapagpapahirap sa mg̃a cawang̃is din niyáng presidiario. Matatangcád silá, madidilím ang pagmumukháng cailán ma'y hindî námasdang lumiliwanag sa pagsilang ng̃ isáng ng̃itî; numíningning, gayón man ang caniláng mg̃a balingtataó, pagccâ dumarapò sa caniláng mg̃a balicat ang humahaguing na pamálò, ó pagcâ hinahaguisan silá ng̃ isáng naglálácad ng̃ upós ng̃ isáng tabacong basâ-basâ at nacácalas na, dinárampot ang upós ng̃ lalong nálalapit at itinatagò sa canyáng salacót: ang mg̃a ibá'y minámasdan ang mg̃a nagdaraan ng̃ pagting̃íng cacaibá. Warî'y náriring̃íg pa niyá ang caniláng caing̃ayang guinágawâ sa pagduduróg ng̃ batóng itatabon sa mg̃a lubác at ang nacalálaguim na calansíng ng̃ mabibigát na mg̃a tanicalâ sa namámagà na niláng mg̃a bucóng-búcong. Kinikilabutan si Ibarra cung naaalaala niyá ang isáng nangyaring sumugat sa canyáng pag-iisip-musmós; niyó'y catánghalian at ibinábagsac ng̃ araw sa lúpà ang canyáng lalong maiinit na mg̃a sínag. Sa lílim ng̃ isáng carretóng cahoy nacabulagtâ ang isá sa mg̃a táong iyón, waláng malay táo, bucás ng̃ cauntî ang mg̃a matá; pinagbubuti naman ng̃ dalawáng presidiario rin ang isáng hihigáng cawayan, waláng galit, waláng pighatî, waláng yamót, anó pa't waláng pinag-ibhán sa sinasabing caugalia't anyô ng̃ dalisay na mg̃a tagarito. "Ng̃ayó'y icáw, búcas nama'y camí," marahil siyáng sinasabi sa canícanilá. Hindî pinápansin ng̃ mg̃a táong nagdudumaling dumaraan ang bagay na iyón; nagdaraan ang mg̃a babae, tinítingnan silá at nang̃agpapatuloy ng̃ paglacad, caraniwan ng̃ mapanood ang mg̃a bagay na yaón, linipacán na ang mg̃a púsò; nang̃agtatácbuhan ang mg̃a coche, ipinaaanino sa caniláng catawáng may barniz ang mg̃a sínag ng̃ araw na iyóng maningníng sa isáng lang̃it na waláng alapaap; sa canyá lamang, batang may labíng isáng taón at bágong carárating na galing sa canyáng bayan, nacalálaguim ang napapanood na iyón; sa canyá lamang nacapagbigáy bang̃ung̃ot ng̃ kinágabihan. Walâ na ang mabaít at may wagás na puring "Puente de Barcas," yaóng tuláy filipinong-mabaít na nagsusumakit maglingcód, bagá man tagláy niya ang catutubong mg̃a capintasang tumataas at bumábabâ alinsunod sa maibigan ng̃ ilog Pasig na dî miminsang nagpahirap at gumibâ sa tuláy na iyon. Hindî lumálagô ang mg̃a talisay sa plaza ng̃ San Gabriel; nananatili silá sa pagcacúyagutin. Sa ganáng canya'y nagbawas ang gandá ng̃ Escolta, bagá man ng̃ayó'y may isáng malaking bahay na may mg̃a "cariatide"[o 5] sa dating kinatatayuan ng̃ mg̃a lumang camalig. Tinakhán niyá ang bagong "Puente de España"[o 6]; nang̃agpaalaala sa canyá ng̃ mg̃a maguiguináw na umaga, cung doo'y dumaraang namamangcâ siláng patung̃ó sa mg̃a paliguan sa Ulì-ulì, ang mg̃a bahay na na sa pangpáng na dacong canan ng̃ ílog, na napapag-itanan ng̃ mg̃a cawayanan at mg̃a punong cahoy, doon sa wacás ng̃ Escolta at pasimulâ ng̃ Isla del Romero. Nasasalubong niyá ang maraming mg̃a cocheng hinihila ng̃ mg̃a maiinam na mg̃a cabayong maliliít, lulan ng̃ mg̃a coche ang mg̃a empleadong nacacatucatulog pa marahil ay pumapatung̃o na sa caniláng mg̃a oficina; mg̃a militar, mg̃a insíc na may anyóng hambóg at catawatawá ang pagcacaupô; mg̃a fraileng hindî maimikin, mg̃a canónigo at iba pa. Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria"[o 7] si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang mg̃a kílay; ng̃uni't siyá'y nacaraan na at ng̃ayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela[o 8] si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng mg̃a anác na babae. Ng̃ macababâ na ng̃ tuláy, tumacbó ang mg̃a cabayo't tinung̃o ang paseo ng̃ Sabána[o 9]. Sa caliwa'y ang fábrica ng̃ tabaco sa Arroceros, na pinanggagaling̃an ng̃ malakíng úgong na guinágawa ng̃ mg̃a cigarrera sa pagpucpóc ng̃ mg̃a dahon ng̃ tabaco. Napang̃itî si Ibarra, sa pagca alaala ng̃ masangsáng na amóy na iyóng sa tuwíng icalimáng oras ng̃ hapo'y lumalaganap sa tuláy ng̃ Barcas at humihilo sa canyá ng̃ panahóng siyá'y musmós pa. Ang masasayáng mg̃a salitâan, ang mg̃a catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon ng̃ Lavapiés, sa Madrid, sampô ng̃ doo'y mg̃a pangliligalig ng̃ mg̃a cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na mg̃a "guindilla"[o 10] at iba pà. Ipinagtabuyan, ang canyáng caayaayang mg̃a naaalaala ng̃ Jardín Botánico[o 11]; iniharáp sa canyáng pag-iísip ang demonio ng̃ mg̃a pagsusumagsumag; ang mg̃a Jardín Botánico sa Europa, sa mg̃a lupaing nang̃agcacailang̃an ng̃ malacás na calooban at saganang guintô upang mapasibol ang isáng dahon at mapabucás ang isáng bulaclác; hindî lamang doon, cung dî sa mg̃a "colonia" man ay may mabubuti ang alagà at mg̃a mahahalagáng Jardín Botánicong bucás na lagui sa sino mang ibig manood. Inihiwaláy doón ni Ibarra ang canyáng mg̃a matá at iniling̃ap niyá sa dacong canan, at doo'y canyáng nakita ang matandáng Maynilàng naliliguid ng̃ mg̃a cútà at mg̃a bangbáng, tulad sa isáng dalagang culang sa dugô, na nababalot ng̃ isáng pananamit ng̃ canyáng nunong babae ng̃ panahong itó'y sumasacagarâan. ¡Natanawan niyá ang dagat na hindî maabot ng̃ tanáw ang guilid na lubháng maláyò!... —¡Na sa cabiláng ibayo ang Europa!—ang inisip ng̃ binatà! ¡Ang Europang may magagandáng mg̃a nacióng hindî nang̃aglílicat ng̃ pagsusumicap sa paghanap ng̃ caligayahán, nagsisipanaguinip pagcacaumaga at nang̃agdáramdam cabiguan sa towíng lumúlubog ang araw ... lumiligaya sa guitnâ ng̃ canyáng mg̃a capahamacán! ¡Tunay ng̃â, sa cabilang ibayo ng̃ dagat na dî maulata'y nang̃aroroon ang mg̃a nacióng mapagmahal sa espíritu, at bagá man hindî nilá minámasamâ ang catawán, lálò pa mandíng mápagmahal sa espíritu cay sa mg̃a nagpapanggáp na lubháng umiirog sa espíritu. Ng̃uni't nang̃agsitacas ang canyáng mg̃a pagdidilidiling itó ng̃ canyáng makita ang muntíng bundúc-bunducan sa capatagan ng̃ Bagumbayan. Ang namûmucod na bundúc-bunducan sa isáng tabí ng̃ paseo ng̃ Luneta ang siyá ng̃ yóng umaakit sa canyáng ísip at siyáng sa canyá'y nagpapagunamgunam. Canyáng guinugunitâ ang táong nagbucás ng̃ canyáng pag-íisip at nagpakilala sa canyá, ng̃ magalíng at ng̃ nasacatuwiran. Tunay ng̃a't cácauntî ang mg̃a caisipáng sa canyá'y iniaral, ng̃uni't hindî ang mg̃a waláng cabuluháng pag-ulit lamang ng̃ mg̃a sinabi ng̃ ibá; pawang mg̃a caisipáng galing sa pananalig na hindî nang̃agculabô sa liwanag ng̃ lalong matitindíng ílaw ng̃ dakilang pagsulong. Ang táong yaó'y isáng matandáng sacerdote, ang mg̃a pang̃ung̃usap na sa canyá'y sinabi ng̃ siyá'y pagpaalaman ay umaaling̃awng̃aw pa sa canyáng mg̃a taing̃a: "Huwág mong calimutang bagá man pag-aarì ng̃ sangcataohan ang carunung̃an, "minamana lamang ang carunung̃ang iyán ng̃ mg̃a táong may púsò,?—ang paalaala niyá.—"Pinagsicapan cong ilipat sa iyo ang aking tinanggáp sa aking mg̃a maestro; ang cayamanang iyó'y pinagsicapan co namáng dagdagán sa boong abót ng̃ aking cáya at inililipat co sa mg̃a táong humahalili; gayón din ang gágawin mo sa mang̃agsisihalili sa iyo, at mapagtátatlong ibayo mo, sa pagcá't icáw ay paparoon sa mg̃a lubháng mayayamang lupaín."—At ng̃umíng̃iting idinagdág; "Nang̃agaisiparito silá sa paghanap ng̃ guintô; ¡mang̃agsiparoon namán cayó sa caniláng lupaí't hanapin ninyó roon ang ibáng guintóng ating kinacailang̃an! Alalahanin mo, gayón mang hindî ang lahát ng̃ cumíkinang ay guintô. Namatáy riyán ang paring iyón."[o 12] Sa mg̃a gunità niyáng itó'y sumásagot siyá: —¡Hindî, anó mang caratnan, ang una'y ang kinaguisnang lúpà, ang una'y Filipinas, anác ng̃ España, ang una'y ang lupaíng castílà. ¡Hindî, ang bagay na iyáng isáng casaliwaang palad ay hindî nacarurung̃is sa Bayang kináguisnan, hindî. Hindî nacahahalina sa canyáng paggugunamgunam ang Ermita, iyáng Fénix[o 13] na pawid, na mulîng sumisilang sa canyáng mg̃a abó sa anyóng mg̃a bahay na may mg̃a pintáng putî at azul at ang bubóng ay zinc na may pintáng pulá. Hindî nacaaakit sa canyáng pagmamalasmalas ang Maalat, ni ang cuartel ng̃ caballeríang may mg̃a punong cahoy sa tapát, ni ang mg̃a tagaroon, ni ang mg̃a maliliit na bahay na pawid na may matitibong na bubung̃áng nang̃acúcubli sa mg̃a púnò ng̃ saguing at mg̃a bung̃a, na guinagawang tulad sa mg̃a pugad ng̃ bawa't amá ng̃ isáng mag-anac. Tulóy ang paggulong ng̃ coche: nacasasalubong ng̃ isáng carromatang híla ng̃ isá ó dalawang cabayo, na napagkikilalang galing lalawigan, dahil sa guarnición at iba pang cagamitáng pawang abacá. Pinagpipilitang makita ng̃ carromatero ang naglálacbay na nacasacáy sa maningning na coche at nagdaraang hindî nakikipagpalitan ng̃ cahi't isáng pananalitâ, ng̃ cahi't isang pakikipagbatîan. Cung minsa'y isáng carretóng híla ng̃ isáng calabaw na marahan ang lacad at parang waláng anó man ang siyáng nacawawalâ ng̃ capanglawan ng̃ maluluang at maalicabóc na mg̃a lansang̃ang napapaliguan ng̃ makináng na araw ng̃ mg̃a "trópico"[o 14]. Nakikisaliw sa malungcót at dî nagbábagong anyô ng̃ awit ng̃ namamatnugot na nacasacáy sa calabaw ang matinding calairit ng̃ tuyóng rueda sa pag-íkit na casama ang kinsékinsé ng̃ mabigát na carretón; cung minsan nama'y ang malagáslas na tunóg ng̃ gasgás na mg̃a paa ng̃ isáng paragos, niyáng trineong[o 15] sa Filipinas ay hinihilang napacabanayad sa ibabaw ng̃ alabóc ó ng̃ mg̃a lubác sa daan. Sa mg̃a capatagan, sa mg̃a malilinis na lupang pinaghahalamanan ay nang̃ing̃inain ang mg̃a hayop na casama ng̃ mg̃a tagác, na payapang nacadapò sa ibabaw ng̃ mg̃a vacang capóng ng̃umúng̃uyâ at linalasa ang mg̃a sariwang damó ng̃ parang, na ipinipikítpikít ang mg̃a matá,; sa dacong malayo'y mg̃a babaeng cabayong nang̃agdadambahan, nang̃aglulucsuhan at nang̃agtatacbuhang hagad ng̃ isáng masival na potrong mababà ang buntót at malagô ang kilíng: humahalinghíng ang potro at pinasasambulat ang lúpà ng̃ canyáng malalacás na mg̃a cucó. Pabayáan nating maglacbáy ang binatang nagdidilidili ó nacacatulog: ang hiwagang malungcót ó masayá ng̃ catapang̃ang hindî nacacaakit ng̃ canyáng gunamgunam: ang araw na iyóng nagpapapakintab sa mg̃a dulo ng̃ mg̃a cahoy at nagpapatacbò sa mg̃a tagabukid na nang̃apapasò ang mg̃a paa sa nagbabagang lúpà, bagá mán silá'y may panyapác na mg̃a lipác; ang araw na iyóng pumipiguil sa isáng babaeng tagabukid sa lilim ng̃ isáng talisay ó cawayanan, at sa canya'y nagpapaísip ng̃ mg̃a bagaybagay na walang catuturán at dî mapagwarì, ang isip na iyo'y hindi nacalulugod sa ating binatà. Bumalíc tayo sa Maynilà samantalang gumugulong ang coche't nagpapaguiray-guiray, túlad sa isáng lasíng, sa buról-bùról na lupà, at samantalang tumátawid sa tuláy na cawayan, pumapanhic sa mataríc na ahunín ó bumábabâ sa totoong malalim na lusung̃ín. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Mga Ala-ala
- Mga Gunita
- Mga Alaala ng Lumipas
- Mga Ala-ala ng Lumipas
Baybayin
Talababaan
|
|