Noli Me Tangere/Kabanata 36 : Ang Unang Suliranin

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

<stromg>Babala: Hindi ka nakalagda. Makikita ng publiko ang iyong IP address kung gagawa ka ng mga pagbabago. Kung mag-login ka o lumikha ng account, maiuugnay ang iyong mga pagbabago sa iyong account, kasama ang ibang pakinabang.

Lagot sa akin ang LAHAT na nagedit sa page na ito. Hindi sapat ang binalik nyo lang. Pag walang umamin lahat kayo damay. Humanda kayo bukas

Buod[baguhin]

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni kapitan Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria clara ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng Malay si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.

Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na limangpung libong piso sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria clara sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitan lalo na si Maria clara na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga tenga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng kapitan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang pauunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarang pagsabihan ng Kapitan si Maria clara na tumigil na ito sa kaka angal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.

maya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

Talasalitaan[baguhin]

  1. Inalo - pinatahan
  2. Excomunion - taong itiniwalag sa simbahan
  3. Nawalan ng ulirat - nawalan ng malay

Pagsusuri[baguhin]

Pananakot ang ginamit ng mga prayle upang makuha nila ang kanilang gusto. Ang excomunion o pag-alis sa isa bilang miyembro ng Simbahang Katoliko. Kapag ang isa ay excomunicado - mapaparusahan daw ng isa hindi lamang sa ibabaw ng lupa kundi maging sa kabilang buhay man. Sa kasalukuyang panahon, natuklasan ng marami na ayon sa Bibliya, ang Diyos ay walang ganitong turo. Ang mga Pilipino noon ay kulang sa paggamit ng kanilang kakayahang mag-isip at mangatuwiran. Tulad ngayon, mas nakakahikayat sa tao ang imala kaysa sa katotohanan o lohika.