Noli Me Tangere/Kabanata 16
←Kabanata 15: Mga Sakristan ←Paliwanag |
Kabanata 16: Sisa Paliwanag |
Kabanata 17: Basilio→ Paliwanag→ |
Teksto
Sisa |
Si Sisa Madilim ang gabí: tahimic na tumutulog ang mg̃a namamayan; ang mg̃a familiang nag-alaala sa mg̃a namatay na'y tumulog na ng̃ boong capanatagán at capayapaan ng̃ loob: nang̃agdasál na silá ng̃ tatlóng bahagui ng̃ rosario na may mg̃a "requiem", ang pagsisiyám sa mg̃a cálolowa at nang̃agpaníng̃as ng̃ maraming candilang pagkít sa haráp ng̃ mg̃a mahál na larawan. Tumupád na ang mg̃a mayayaman at ang mg̃a nacacacaya sa pagcabûhay sa mg̃a nagpamana sa canilá ng̃ caguinhawahan; kinabucasa'y sísimba silá sa tatlóng misang gágawin ng̃ báwa't sacerdote, mang̃agbíbigay silá ng̃ dalawáng piso at ng̃ ipagmisa ng̃ isáng patungcól sa cálolowa ng̃ mg̃a namatáy; bíbili sila, pagcatapos, ng̃ bula sa mg̃a patáy na puspós ng̃ mg̃a indulgencia. Hindî ng̃a totoong nápacahigpit ang Justicia ng̃ Dios na gáya ng̃ justicia ng̃ táo. Ng̃uni't ang dukhâ, ang mahírap, na bahagyâ nanacacakita upang may maipag-agdóng-búhay, at nang̃angailáng̃ang sumúhol sa mg̃a "directorcillo," mg̃a escribiente at mg̃a sundalo, upang pabayaan siláng mamúhay ng̃ tahimic, ang táong iyá'y hindî tumutulog ng̃ panatag, na gaya ng̃ inaacála ng̃ mg̃a poeta sa mg̃a palacio, palibhasa'y hindî pa silá maráhil nacapagtitiis ng̃ mg̃a hagpós ng̃ carálitâan. Malungcót at nag-iisíp-ísip ang dukhâ. Nang gabíng iyón, cung cácauntí ang canyáng dinasál ay malakíng lubhâ ang canyáng daláng̃in, tagláy ang hírap sa mg̃a matá at ang mg̃a lúha sa púsò. Hindî siyá nagsísiyam, hindî siyá marunong ng̃ mg̃a "jaculatoria", ng̃ mg̃a tulâ at ng̃ mg̃a "oremus," na cathâ ng̃ mg̃a fraile, at iniuucol sa mg̃a táong waláng sariling caisipán, waláng sariling damdámin, at hindî rin namán napag-uunawà ang lahát ng̃ iyón. Nagdárasal siyá ng̃ áyon sa pananalitâ ng̃ canyáng caralitaan; ang cálolowa niyá'y tumatang̃is dáhil sa canyáng sariling calagayan, at dáhil namán sa mg̃a namatáy, na ang pagsintá nilá sa canyá'y siyáng canyáng cagaling̃an. Nangyayaring macapagsaysáy ang mg̃a lábì niyá ng̃ mg̃a pagbátì; ng̃uni't sumísigaw ang canyang ísip ng̃ mg̃a daing at nagsásalitâ ng̃ mg̃a hinanakít. ¿Cayó bagá'y mang̃asísiyahan. Icáw na pumuri sa carukhâan, at cayó namán, mg̃a aninong pinahihirapan, sa waláng pamúting panalang̃in ng̃ dukhâ, na sinasaysay sa haráp ng̃ isáng estampang masamâ ang pagcacágawâ, na liniliwanagan ng̃ ílaw ng̃ isáng timsím, ó bacâ cayâ ang ibig ninyo'y ang may mg̃a candílang malalakí sa haráp ng̃ mg̃a Cristong sugatán, ng̃ mg̃a Virgeng malilíit ang bibíg at may mg̃a matáng cristal, mg̃a misang wícang latíng ipinang̃ung̃usap ng̃ mg̃a sacerdoteng hindî inuunawà ang sinasabi? At icáw, Religióng ilinaganap na talagáng úcol sa sangcataohang nagdaralità, ¿nalimutan mo na cayâ ang catungculan mong umalíw sa naaapi sa canyáng carukhâan, at humiyâ sa macapangyarihan sa canyáng capalalûan, at ng̃ayó'y may laan ca lamang na mg̃a pang̃ácò sa mg̃a mayayaman, sa mg̃a táong sa iyó'y macapagbabayad? Ang caawaawang tao'y nagpúpuyat sa guitnâ ng̃ canyáng mg̃a anác na nang̃atutulog sa canyáng síping; iniisip ang mg̃a bulang dapat bilhín upang mápahing̃aláy ang mg̃a magulang at ang namatáy na esposo.—"Ang píso—anyá—ang píso'y isáng linggóng caguinhawahan ng̃ aking mg̃a anác; isáng linggóng mg̃a tawanan at mg̃a catuwâan, ang aking inimpóc sa bóong isáng buwan, isáng casuutan ng̃ aking anác na babaeng nagdádalaga na."—Datapuwa't kinacailang̃ang patayín mo ang mg̃a apóy na itó—ang wícà ng̃ voces na canyáng nárinig sa sermón—kinacailang̃ang icáw ay magpacahírap. "¡Tunay ng̃â! ¡kinacailang̃an! Hindî ililigtas ng̃ Iglesia ng̃ waláng bayad ang mg̃a pinacasisinta mong cálolowa: hindî ipinamímigay na waláng báyad ang mg̃a bula. Dápat mong bilhín ang bula, at hindî ang pagtulog cung gabí ang iyóng gágawin, cung dî ang pagpapagal. Samantala'y mailálantad ng̃ iyóng anác na babae ang bahágui nang catawáng dapat ilíhim sa nanonood; ¡magpacagútom ca, sa pagca't mahál ang halagá ng̃ láng̃it! ¡Tunay na túnay ng̃â yátang hindî pumapasoc sa láng̃it ang mg̃a dukhâ! Nang̃agliliparan ang mg̃a caisipáng itó sa alang-alang na pag-itang mulâ sa sahíg na kinalalatagan ng̃ magaspáng na baníg, hanggáng sa palupong kinatatalîan ng̃ dúyang pinag-úuguyan sa sanggól na laláki. Ang paghing̃á nitó'y maluág at payápà; manacânacang ng̃inung̃uyâ ang láway at may sinasabing dî mawatasan: nananaguinip na cumacain ang sicmurang gutóm na hindî nabusóg sa ibinigáy sa canyá ng̃ mg̃a capatíd na matatandâ. Ang mg̃a culiglíg ay humuhuning hindî nagbabago ang tínig at isinasaliw ang caniláng waláng humpáy at patupatuloy na írit sa mg̃a patlángpatláng na tin-ís na húni ng̃ cagaycáy na nacatagò sa damó ó ang butiking lumálabas sa canyáng bútás upang humánap ng̃ macacain, samantalang ang tucô, na wala ng̃ pinang̃ang̃anibang túbig ay isinusung̃aw ang canyáng ulo sa gúang ng̃ bulóc na púnò ng̃ cáhoy. Umaatung̃al ng̃ lubháng mapanglaw ang mg̃a áso doon sa daan, at sinasampalatayanan ng̃ mapamahíing nakikinig na silá'y nacacakita ng̃ mg̃a espíritu at ng̃ mg̃a anino. Datapuwa't hindi nakikita ng̃ mg̃a áso at ng̃ ibá pang mg̃a háyop ang mg̃a pagpipighatî ng̃ mg̃a tao, at gayón man, ¡gaano carami ang canilang mg̃a cahirapang tinítiis! Doon sa maláyò sa bayan, sa isáng láyong may isáng horas, nátitira ang iná ni Basilio at ni Crispín, asáwa ng̃ isáng laláking waláng puso, at samantalang ang babae nagpipilit mabúhay at ng̃ macapag-arugà sa mg̃a anác, nagpapagalâgala at nagsasabong namán ang lalaki. Madalang na madálang silá cung magkíta, ng̃uni't lágui ng̃ kahapishapis ang nangyayari pagkikita. Unti-unting hinubdán ng̃ lalaki ang canyáng asáwa ng̃ mg̃a híyas upang may maipagvicio siyá at ng̃ walâ nang caanoano man si Sisa, upang magugol sa masasamáng mg̃a hingguíl ng̃ canyáng asawa, pinagpasimulâan nitóng siyá'y pahirapan. Mahinà, palibhasà, ang loob, malakí ang cahigtán ng̃ púsò cay sa pag-iísip, walâ siyáng nalalaman cung dî sumintá at tumáng̃is. Sa ganáng canyá'y ang canyáng asawa ang siyáng dios niyá,; ang mg̃a anác niyá'y siyáng canyang mg̃a ángel. Sa pagca't talastás ng̃ lalaki cung hanggáng saan ang sa canya'y pag-íbig at tacot, guinágawa namán niyá ang catulad ng̃ asal ng̃ lahát ng̃ mg̃a diosdiosan: sa aráw-áraw ay lumálalâ ang canyáng calupitan, ang pagca waláng áwà at ang pagcapatupatuloy ng̃ bawa't maibigan. Ng̃ múhang tanóng sa canyá si Sisa ng̃ minsang siyá'y sumipót sa báhay, na ang mukha'y mahiguít ang pagdidilim cay sa dati, tungcól sa panucalang ipasoc ng̃ sacristan si Basilio, ipinatúloy niyá ang paghahagpós ng̃ manóc, hindî siyá sumagot ng̃ oo ó ayaw. Hindî nang̃ahás si Sisang ulítin ang canyang pagtatanong; datapuwa't ang lubháng mahigpít na casalatán ng̃ caniláng pamumúhay at ang hang̃ád na ang mg̃a báta'y mang̃ag-áral sa escuelahan ng̃ bayan ng̃ pagbasa't pagsúlat, ang siyang sa canya'y pumílit na ipalútoy ang panucalà niya. Ang canyang asawa'y hindî rin nagsabi ng̃ anó man. Nang gabíng yaon, icasampó't calahatî ó labíng-isá ang horas, ng̃ numiningning na ang mg̃a bituin sa lang̃it na pinaliwanag ng̃ unós, nacaupô si Sisa sa isáng bangcóng cahoy na pinagmamasdan ang ilang mg̃a sang̃á ng̃ cahoy na nagnining̃asning̃as sa calang may tatlóng batóng-buhay na may mg̃a dunggót. Nacapatong sa tatlóng batóng itó ó tungcô ang isang palayóc na pinagsasaing̃an, at sa ibabaw ng̃ mg̃a bága'y tatlóng tuyóng lawlaw, na ipinagbíbili sa halagang tatló ang dalawang cuarta. Nacapang̃alumbabà, minámasdan ang madilawdilaw at mahinang níng̃as ng̃ cawayang pagdaca'y naguiguing abó ang canyang madalíng malugnaw na bága; malungcót na ng̃itî ang tumatanglaw sa canyang mukhâ. Nagugunità niya ang calugodlugód na bugtóng ng̃ palayóc at ng̃ apóy na minsa'y pinaturan sa canya ni Crispin. Ganitó ang sinabi ng̃ batà:
Batà pa si Sisa, at napagkikilalang ng̃ dacong úna'y siya'y maganda at nacahahalina cung cumílos. Ang canyang mg̃a mata, na gaya rin ng̃ canyang calolowang ibibigay niyang lahat sa canyang mg̃a anac, ay sacdal ng̃ gaganda, mahahabà ang mg̃a pilíc-mata at nacauukit cung tuming̃ín; mainam ang hayap ng̃ ilóng; marikít ang pagcacaanyô ng̃ canyang mg̃a labing namumutlâ. Siya ang tinatawag ng̃ mg̃a tagalog na "cayumanguing caligatan," sa macatuwid baga'y cayumangguí, ng̃uni't isang cúlay na malínis at dalísay. Baga man batà pa siya'y dahil sa pighatî, ó dahil sa gútom, nagpapasimulâ na ng̃ paghupyac ang canyang namumutlang mg̃a pisng̃í; ang malagóng buhóc na ng̃ úna'y gayac at pamuti ng̃ canyang cataóhan, cung cayâ husay hindî sa pagpapaibiíg, cung dî sa pagca't kinaugalîang husayin: ang pusód ay caraniwan at walang mg̃a "aguja" at mg̃a "peineta." May ilang araw nang hindî siya nacacaalis sa bahay at canyang tinatapos tabìin ang isang gawang sa canya'y ipinagbiling yarîin sa lalong madalíng panahóng abót ng̃ caya. Sa pagcaibig niyang macakita ng̃ salapî, hindî nagsimba ng̃ umagang iyón, sa pagca't maaabala siya ng̃ dalawang horas ang cauntian sa pagparoo't parito sa bayan:—¡namimilit ang carukhâang magcasala!—Ng̃ matapos ang canyang gawa'y dinala niya sa may-arì, datapuwa't pinang̃acuan siya nitó sa pagbabayad. Walâ siyang inísip sa boong maghapon cung dî ang mg̃a ligayang tatamuhin niya pagdatíng ng̃ gabí: canyang nabalitaang óowî ang canyang mg̃a anac, at canyang inísip na sila'y canyang pacaning magalíng. Bumilí ng̃ mg̃a lawlaw, pinitas sa canyang malíit na halamanan ang lalong magagandang camatis, sa pagca't nalalaman niyang siyang lalong minamasarap ni Crisping pagcain, nanghing̃î sa canyang capit bahay na si filósofo Tasio, na tumitira sa may mg̃a limangdaang metro ang layò sa canyang tahanan, ng̃ tapang baboy-ramó, at isang hità ng̃ patong-gubat, na pagcaing lalong minamasrap ni Basilio. At puspós ng̃ pag-asa'y isinaing ang lalong maputíng bigas, na siya rin ang cumúha sa guiícan. Yaón ng̃a nama'y isang hapúnang carapatdapat sa mg̃a cura, na canyang handâ sa caawaawang mg̃a batà. Datapuwa't sa isang sawîng palad na pagcacatao'y dumatíng ang asawa niya't kinain ang canin, ang tapang baboy ramó, ang hità ng̃ pato, limang lawlaw at ang mg̃a camatis. Hindî umiimic si Sisa, baga man ang damdam niya'y siya ang kinacain. Nang busóg na ang lalaki'y naalaalang itanóng ang canyang mg̃a anac. Napang̃itî si Sisa, at sa canyang catowâa'y ipinang̃acò sa canyang sariling hindî siya maghahapunan ng̃ gabíng iyón; sa pagca't hindî casiya sa tatló ang nalabi. Itinanóng ng̃ ama ang canyang mg̃a anac, at ipinalalagay niya itóng higuít sa siya'y cumain. Pagcatapos ay dinampót ng̃ lalaki ang manóc at nag-acalang yumao. —¿Ayaw ca bang makita mo sila?—ang itinanóng na nang̃ang̃atal;—sinabi ni matandang Tasiong sila'y malalaon ng̃ cauntî; nacababasa na si Crispin ... marahil ay dalhín ni Basilio ang canyang sueldo. Ng̃ marinig itóng huling cadahilanan ng̃ pagpiguil sa canya'y humintô, nag-alinlang̃an, ng̃uni't nagtagumpay ang canyang mabuting angel. —¡Cung gayó'y itira mo sa akin ang piso!—at pagcasabi ay umalis. Tumang̃is ng̃ bóong capaitan si Sisa; ng̃uni't pagcaalaala sa canyang mg̃a anac ay natuyô ang mg̃a luhà. Mulî siyang nagsaing, at inihandâ ang tatlong lawlaw na natira: bawa't isa'y magcacaroon ng̃ isa't calahatì. —¡Darating silang malakí ang pagcaibig na cumain!—ang iniisip niya:—malayò ang pinangagaling̃an at ang mg̃a sicmúrang gutóm ay walang púsò. Pinakingan niyang magalíng ang lahat ng̃ ing̃ay, masdan natin at hinihiwatigan niya ang lalong mahinang yabag: —Malacas at maliwanag ang lacad ni Basilio; marahan at hindî nacacawang̃is ang cay Crispin—ang iniisip ng̃ ina. Macaalawa ó macaatló ng̃ humúni ang calaw sa gúbat, mulâ ng̃ tumilà ang ulan, at gayón ma'y hindî pa dumarating ang canyang mg̃a anac. Inilagay niya ang mg̃a lawlaw sa loob ng̃ palayóc at ng̃ huwag lumamig, at lumapit sa pintuan ng̃ dampâ upang siya'y malibang ay umawit ng̃ marahan. Mainam ang canyang voces, at pagcâ narìrinig nilang siya'y umaawit ng̃ "cundiman", nang̃agsisiiyac, ayawan cung bakit. Ng̃úni't ng̃ gabing iyó'y nang̃ang̃atal ang canyang voces at lumalabas ng̃ pahirapan ang tínig. Itiniguil ang canyang pag-awit at tinitigan niya ang cadiliman. Sino ma'y walang nanggagaling sa bayan, liban na lamang sa hang̃ing nagpapahulog ng̃ tubig sa malalapad na mg̃a dahon ng̃ mg̃a saguing. Caracaraca'y biglang nacakita ng̃ isang ásong maitím na sumipót sa harap niya; may inaamoy ang hayop na iyón sa landas. Natacot si Sisa, cumúha ng̃ isang bató at hinaguis. Nagtatacbó ang asong umaatung̃al ng̃ pagcapanglawpanglaw. Hindî mapamahîin si Sisa, ng̃uni't palibhasa'y maráming totóo ang canyáng nárinig na mg̃a sinasabi tungcol sa mg̃a guníguní at sa mg̃a ásong maiitím' caya ng̃a't nacapangyári sa canyá ang laguím. Dalidaling sinarhán ang pintô at naupô sa tabí ng̃ ílaw. Nagpapatíbay ang gabí ng̃ mg̃a pinaniniwalaan at pinupuspos ng̃ panimdím ang aláng-álang ng̃ mg̃a malicmátang aníno. Nag-acálang magdasál, tumáwag sa Vírgen, sa Dios, upang caling̃áin nilá ang canyáng mg̃a anác, lálonglalò na ang canyáng bunsóng si Crispín. At hindî niyá sinásadya'y nalimutan niyá ang dasál at napatung̃o ang bóong pag-iisip niyá sa canilá, na anó pa't canyáng naaalaala ang mg̃a pagmumukhâ ng̃ báwa't isá sa canilá, yaóng mg̃a mukháng sa towî na'y ng̃umíng̃itî sa canyá cung natutulog, at gayón din cung nagíguising. Datapuwa't caguinsaguinsa'y naramdaman niyáng naninindíg ang canyáng mg̃a buhóc, nangdidilat ng̃ maínam ang canyáng mg̃a matá, malicmátà ó catotohanan, canyáng nakikitang nacatìndíg si Crispin sa tabí ng̃ calan, doón sa lugar na caraníwang canyáng inúup-an upang makipagsalitaan sa canyá. Ng̃ayó'y hindî nagsasabi ng̃ anó mán; tinititigan siyá niyóng mg̃a matáng malalakí at ng̃umíng̃itî. —¡Nánay! ¡bucsán ninyó! ¡bucsán ninyó, nánay!—ang sabi ni Basilio, búhat sa labás. Kinilabútan si Sisa at nawalâ ang malícmatà. |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Si Sisa