Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Pomentong agwaras
Itsura
Pakahulugan
[baguhin]Ang paglalagay ng agwaras (turpentine) at langis sa tiyan o kaya ay sa kasukasuan, na may kasamang mamasa-masang init.
Mga Nagagawa
[baguhin]- Nilulunasan ang masamang pakiramdam ng tiyan dahil sa kabag. * Pinalulubay ang mga paghilab ng bituka.
- Pinasisigla ang mga pagkilus-kilos ng mga bituka.
- Pinahuhupa ang kirot at paninikip sa mga bahaging kaugpong ng napilay na mga bukung-bukong.
- Nilulunasan ang kirot na bunga ng biglang pananakit sa bahagi ng tiyan.
- Napagbubuti ang pagbabawas ng labis na paglala.
Mga Bagay na Kailangan
[baguhin]- Tulad din ng mga kailangan sa pomentasyon.
- Kumot na pantakip sa maysakit.
- Isang tuwalyang panligo.
- Krema o losyon.
- Mga bote ng pinaghalong agwaras (turpentine) at langis ayon sa sumusunod na pagkakatimpla:
- Para sa bata: 1 kutsarang agwaras sa 8 kutsarang langis na mineral.
- Para sa matanda: 1 kutsarang agwaras sa 6 na kutsarang langis na mineral.
Timplang Agwaras
[baguhin]Lagyan ng 1 kutsarang agwaras ang isang boteng may takip at idagdag ang 8 kutsarang langis na mineral, kung para sa bata gagamitin. Para sa matanda dagdagan ng 6 na kutsarang langis na mineral ang 1 kutsarang agwaras. Takpan nang maayos ang mga bote at aluging mabuti. Lagyan ito ng mga pananda ng pagkakatimpla. Maaari itong iligpit para sa susunod na pangangailangan.
Paraan
[baguhin]- Dalhing lahat ang mga kailangan sa tabi ng higaan ng pasyente, pati na ang pinaghalong agwaras at langis.
- Ihanda ang maysakit para sa pomentasyon sa tiyan o bukung-bukong.
- Ipahid ng dulo ng mga daliri ang langis at agwaras sa bahaging gagamutin.
- Matyagang mabuti ang balat. Kung may pamumula, alisin agad ang ipinahid na agwaras at langis; punasan itong mabuti. Pahiran pagkatapos ng krema o losyon ang balat. Itigil ang paggagamot.
- Takpan ang bahaging gagamutin ng tuyong tuwalya. lIagay ang mainit na pomento. Tiyaking hindi ito napakainit.
- Ulitin nang tatlong beses ang pagpopomento. Kung may kabag, ang paghinga ng pasyente ay kailangang nagbubuhat sa tiyan. Samantalang nakalagay pa ang pompento sa tiyan, turuan ang maysakit ng paghinga nang dahandahan, na pinatataas ang tiyan sa paghingang-panloob, at pinabababa naman ang paghingang palabas. Gawin ito nang mga ilang ulit na may pahinga sa mga pagitan nito.
- Sa katapusan, punasan ng tuyong tuwalya at patuyuing mabuti ang balat na pinahiran ng langis.
- Pahiran ng krema o losyon ang bahaging ginamot at bendahan kung ito'y sa bukung-bukong.
- Kung ang masamang pakiramdam sa tiyan ay nagpapatuloy, ulitin ang pomentasyon pagkalipas ng 2 oras, maliban kung ito'y hindii itinatagubilin.
- Kung walang ipinagbabago ang pakiramdam ng pasyente, patingnan agad ito sa doktor.
Pag-iingat at mga Dapat Iwasan
[baguhin]Mga Palatandaan ng May Bara sa Bituka
[baguhin]- Matinding sakit ng tiyan.
- Hindi kumikilos ang mga bituka. Idikit ang tainga sa tiyan at pakinggan kung may anumang pagkilos ang mga bituka.
- Hindi maka-utot o makadumi man.