Kasaysayan ng Daigdig/Sinaunang Kasaysayan/Sumeria
Sa silangan ng mga bulubundukin ng kasalukuyang Turkey, dalawang dakilang ilog ang umaagos pababa sa Syria at Iraq, tuluy-tuloy patungong Golpo ng Persia. Dakila ang mga ilog na ito sapagka't anim na libong taon na ang nakararaan, sa mga ilog na ito nagsimula ang mga unang bakas mg sibilisasyon: dito nabuo ang unang malakihan at permanenteng komunidad komunidad ng mga magsasaka na unti-unting nabuo upang maging mga bayan at siyudad. Ang Tigris at Euphrates na dumadaloy sa Timog-Kanlurang Asia—isang lugar na sa pangkalahata'y may klimang tuyo at mainit at topograpiyang binubuo ng mga disyerto—ang nagbigay-buhay sa mga sibilisasyong umusbong dito. Sa rehiyon na kung tawagi'y Fertile Crescent ng mga iskolar na siyang nakapalibot sa nasabing mga lambak-ilog umusbong ang pinakaunang sibilisasyon sa daigdig—ang Mesopotamia. Ang pangalang ito'y hango sa Griyegong μέσος (mésos o gitna) at πόταμος (pótamos o ilog), na nangangahulugang "lugar sa pagitan ng dalawang ilog" buhat na rin ng lokasyon nito.
Taunang umaapaw ang Tigris at Eufrates dahil sa bolyum ng tubig na nanggagaling sa Bulubunduking Zagros sa Iran; at sa taunan nitong pag-apaw, nagiging malusog ang lupain sa paligid dahil sa mga nutrients mula sa ilog. Ang loóm, isang uri ng putik na mayaman sa mineral na nanggagaling sa dalawang ilog ang nagpapayaman sa lupa ng Mesopotamia na nagdudulot upang maging ideyal ito sa pagsasaka. Kung wala ang ilog Tigris at Eufrates,