Florante at Laura/Patungkol
←Talaan ng mga nilalaman | Patungkol |
Mga tauhan at tagpuan→ |
Ang Florante at Laura [flo'ran̪t̪ɛ 'at 'laʊra] ay isang aklat na isinulat bilang awit ni Francisco Balagtas. Ito ay nangangahulugang ang mga taludtod nito ay naglalaman ng 12 pantig, habang ang mga saknong naman nito ay naglalaman ng 4 na taludtod. Nagsisimula ang salaysay nito mula sa isang binatang naghihirap na nakagapos sa isang puno ng higera, hanggang sa isang masayang pagtatapos at pagkamatay ng Konde Adolfo, ang pangunahing kontrabida sa salaysay.
Ang awit ay pinanahon sa bandang ika-15 siglo, ang panahon ng pananakop ng Imperyong Otomano sa Kaharian ng Albanya. At isa sa mga katangian nito ang paggamit ng mga makalumang salita sa Tagalog, at ang pag-aalis ng letrang "i" sa ilang mga pandiwa, paghihiwalay ng pang-akop mula sa inaangkupan nitong mga salita, at pagdaragdag ng mga salitang karaniwang hindi ginagagamit, katulad ng dagdag na pantangi, upang mapagkasya sa 12 pantig.
Lahat ng pagtutukoy sa "Diyos" ay tumutukoy sa diyos ng kristiyanismo maliban na lamang kung ipinahayag.
Mga kagamitang pampag-aaral
[baguhin]Bagaman kapareha ng aklat na ito ang pamagat ng awit, hindi lama
Palabaybayan
[baguhin]Ang awit sa aklat na ito ay isinulat sa palabaybayan ng kasalukuyang Tagalog, at sa orihinal na pagbabaybay nitong luma, sa pamamagitan ng mga hanay.
Kasalukuyan[baguhin]Kung pagsaulang kong basahin sa isip |
Orihinal[baguhin]cong pag saulang cong basahin sa isip |