Pumunta sa nilalaman

Esperanto/Mga Simpleng Pandiwa

Mula Wikibooks

Ang mga pandiwa ang nagpapahayag kung ano ang ginagawa ng isang aktor. Maaaring may makatanggap ng aksyon na ginagawa ng aktor o wala.

Mga Panahunan

[baguhin]

May tatlo lamang na panahunan ang Esperanto, tulad ng sa wikang Filipino - ang pangnagdaan, pangkasalukuyan, at panghinaharap. Para sa bahaging ito, gagamitin natin ang pawatas na kuri na ang ibig sabihin ay "tumakbo".

Ang Pangnagdaan

[baguhin]

Ang pangnagdaan na panahunan ay nagpapahayag ng isang kilos na ganap na, o nangyari sa isang panahong nagdaan na. Upang gawing pangnagdaan ang isang pawatas, tanggalin lamang ang pinakadulong "i" at palitan ng "is" ito.

Example
Example
Halimbawa:
kuri -> kuris; tumakbo -> tumakbo


Ang Pangkasalukuyan

[baguhin]

Ang pangkasalukuyan na panahunan ay nagpapahayag ng isang kilos na nagaganap sa ngayon. Upang gawing pangnagdaan ang isang pawatas, tanggalin lamang ang pinakadulong "i" at palitan ng "as" ito.

Example
Example
Halimbawa:
kuri -> kuras; tumakbo -> tumatakbo


Ang Panghinarap

[baguhin]

Ang panghinaharap na panahunan ay nagpapahayag ng isang kilos na gaganapin pa lamang sa isang panghinaharap na panahon. Maari rin itong magpahiwatig ng balak na gawin. Upang gawing panghinaharap ang isang pawatas, tanggalin lamang ang pinakadulong "i" at palitan ng "os" ito.

Example
Example
Halimbawa:
kuri -> kuros; tumakbo -> tatakbo


Paggamit

[baguhin]

Ang mga pandiwa sa Esperanto ay maaaring ilagay kahit saan sa pangungusap basta malalaman kung saan sa pangungusap ang aktor nito. Madalas na nilalagay ang aktor ng pandiwa bago ang mismong pandiwa, ngunit may mga akda, tulad ng mga tula, na inilalagay ang aktor pagkatapos nito. Ang kasong akusativo, na tatalakayin sa susunod na pahina, ang isa sa mga dahilan kung bakit maaaring gawin ito. Sa paraang ito makakagawa tayo ng mga pangungusap na higit na ayon sa ating nais iparating.

Example
Example
Halimbawa:
Ĉevalo kuras. La hundo bojis. Komprenas la viro. Skribis knabo. La instruisto vojaĝos.; Isang kabayo ang tumatakbo. Ang aso ay tumahol. Ang tao ay nakakaintindi. Isang bata ang nagsulat. Ang guro ay maglalayag.


Tulad ng wikang Filipino, maaaring magkaroon ng isang pangungusap na pandiwa lang ang mayroon. Ginagamit ito kung ang aktor ng pandiwa ay natiyak mula sa isang nagdaan na pangungusap.

Example
Example
Halimbawa:
Pluvas. Kriis. Eliros.; Umuulan. Umiyak. Lalabas.


Mga Pandiwang Panlagay

[baguhin]

May isang natatanging salitang ugat ang lumalayon sa lagay ng isang bagay. Ang salitang-ugat na "esti", kung nabanghay, ay tumutukoy sa lagay ng isang bagay sa panahong iyon. Maaaring pang-uri, pangngalan, o isang sugnay ang lagay nito. Halimbawa, ginagamit ito kung nais mong ipahiwatig na ang ulam ngayon ay manok, o ang damit mo ngayon ay dilaw. Maari ring itong isipin bilang tumbasan ng dalawang bagay.

Tulad sa wikang Filipino, ang bagay at ang lagay nito ay maaring ilagay kahit saan sa palibot ng pandiwang panlagay. Kung maramihan ang bagay na itutukoy, kailangang nakabanghay rin sa maramihan ang lagay.

Example
Example
Halimbawa:
La hundo estas Fido. La manĝaĵoj estos porkaĵoj. Bovo estas granda besto. Katoj bestoj etaj estas. Estas manĝilaro la telero; Ang aso ay si Fido. Ang mga pagkain ay magiging mga baboy na ulam. Ang baka ay isang malaking hayop. Ang mga pusa ay mga maliliit na hayop. Ang plato ay isang kubyertos.


Maaari ring gamitin ang pandiwang panlagay sa mga pang-uri para ilayon ang isang bagay sa isang uri. Kung tiyak ang bagay, hindi maaaring maglagay ng pantiyak sa pang-uri.

Example
Example
Halimbawa:
La suno estas flava. Katoj estas blankaj. La herbo mola estas. Freŝaj la fiŝoj estas.; Ang araw ay dilaw. Ang mga pusa ay dilaw. Ang damo ay malambot. Ang mga isda ay sariwa.


Pagsasanay

[baguhin]

Una

[baguhin]

Banghayin ang mga sumusunod na pawatas sa pangnagdaan, pangkasalukuyan, at panghinaharap na mga panahunan.

Example
Example
Halimbawa:
scii -> sciis, scias, scios; alam -> nalaman, nalalaman, aalamin


aparteni, broŝi, cerpi, ĉirkaŭi, daŭri, enkonduki, fajri, gajni, ĝui, havi, ĥaosigi, interesi, justi, ĵaluzi, kuiri, levi, manĝi, nomiĝi, oferi, promeni, roli, svingi, ŝiri, traduki, unuiĝi, valori, zorgi

Pangalawa

[baguhin]

Banghayin ang mga pawatas ng mga sumusunod na mga pangungusap ayon sa hinihingi nitong panahunang pandiwa.

Example
Example
Halimbawa:
Besto kuri (pangkasalukuyan) -> Besto kuras