Pumunta sa nilalaman

Esperanto/Ang Kasong Akusativo

Mula Wikibooks

Ang kasong akusativo ang sinasabing isa sa mga pinakamahirap aralin sa Esperanto. Dahil na rin ito sa kasanayan ng mga tao sa pagpoposisyon ng mga salita sa palibot ng isang pandiwa upang maipahayag kung siya ang gumagawa o ginagawan ng isang diwa. Simple lamang ang mga patakaran ukol rito.

Ang Pandiwa at ang Layon

[baguhin]

Kapag ang isang tao o bagay ay gumawa ng isang kilos, maaaring may makatanggap sa ginagawa nila. Ang tao o bagay na makakatanggap ay tinatawag na direktang layon ng isang pandiwa sapagkat sila ang agarang naaapektuhan ng kilos. Sa wikang Filipino, medyo kumplikado ang proseso ng paglalapi sa isang pandiwa upang maituro ang aktor, na gumawa ng kilos, at ang layon, ang siyang nakakatanggap ng kilos. Dumadagdag pa lalo ang ng mga aspekto at pokus sa hirap sa pag-aral nito.

Ngunit, ang ganitong konstruksyon ay pinahihintulutan tayo na ilagay ang aktor o layon kahit saan sa palibot ng pandiwa, basta nalapi ang pandiwa para maipahiwatig ang nais natin. Ang wikang Esperanto ay may ganitong uri ng "paglapi" upang markahan ang isang salita bilang isang direktang layon. Dahil rito, maaari na ring ilagay ang mga pangngalan kahit saan sa palibot ng pandiwa.

Pagbanghay

[baguhin]

Ang isang pangngalan ay maaaring markahan bilang isang direktang layon ng isang pandiwa sa pamamagitan ng pagkakabit ng "n" sa dulo ng pangangalan. Kung pangmaramihan ang pangngalan, kinakabit ang "n" sa pinakadulo ng salita matapos ang "j" nito.

Example
Example
Halimbawa:
stelo -> stelon, okullvitroj -> okulvitrojn