Wikibooks:Pamantayan sa pagpapangalan
Itsura
Ang pahinang ito ay naglalaman ng isang burador na panukala tungkol sa isang batayan o patnubay sa Wikibooks. Talakayin ang mga pagbabago sa burador na ito sa usapan. Kapag napagkasunduan, ang burador na ito ay maaari maging opisyal na batayan o patnubay sa Wikibooks. |
Pamantayan sa pagpapangalan
[baguhin]Ang bawat kabanata o pahina ng isang aklat ay dapat magsimula sa pangalan ng libro at sundan ng isang bantas paiwa:
- Pamagat_ng_Aklat/Pangalan_ng_pahina
Ang mga aklat at pahina ay maaaring gumamit ng pamagat o pangungusap na pagka-capitalize.
'Di-naaayon na mga aklat
[baguhin]May mga iilang aklat na hindi gumagamit ng bantas na paiwa upang italaga ang mga subpage. Kung may makikita kang aklat na may mga pahinang hindi sumasang-ayon sa patnubay na ito, pakibago ang mga pangalan ng mga ito. Maaari ka ring magbigay ng mga pahinang maaaring ilipat sa pamamagitan ng pagdagdag ng {{rename|bagong_pangalan}} sa itaas ng mga pahinang nais baguhin ang pangalan.