Pumunta sa nilalaman

Usapang Wikibooks:Kapihan

Page contents not supported in other languages.
Magdagdag ng paksa
Mula Wikibooks

Batay sa hayag na katalagahan ng 1987 Constitution

[baguhin]

Batay sa Section 9 ng Article XIV ng 1987 na Saligang-Batas ng Pilipinas, Ang kasulatan ng Konstitusyon ng bansa ay nakatalagang malimbag sa wikang Filipino at English. Makalipas ang 25 na taon, tanging ang sipi nito sa English ang umiiral at magpahanggang ngayon nga ay wala parin itong kalimbagang-salin sa wikang Filipino.

Sa ganoong kalagayan dalawang bagay ang bibigyang diin sa pahinang ito:

UNA. Kasunod ng pahinang ito ay ilalathala ko ang mungkahing kasalinang sipi sa Filipino ng 1987 na Saligang-Batas ng Pilipinas. Habang dadaan sa proseso ng pagsasalin, ipinananawagan ko sa pamamagitan ng pahinang ito ang tahimik at panatag na pakikiisa ng lipunang Filipino. Sa mga katulad na naniniwala sa totoong layuning isinusulong na nakapaloob sa nabanggit na pinasimulan na ngang isahakbang, ang pananatiling matibay na kumakatig sa ating pinaniniwalaan ang pinakamakabuluhan nang tulong at suporta na ating maiaambag.

Bilang pangunahin tungkulin sana na dapat noon pang ginampanan ng COMMISSION ON THE FILIPINO LANGUAGE na nilikha ng RA 7104, ang kawalang ng kalimbang sa wikang Filipino hanggang kasalukuyan ay mabibilang din na pangunahing pagkukulang ng nasabing komisyon. Sa nakalulungkot banggiting pang kawalang silbi, ang Commission on the Filipino Langugae sampu ng mga institusyon na may katulad na pagkukulang ay kasunod na imumungkahing isawalang bisa ang pagkakatatag at tuwirang buwagin.

Sa gayong nabanggit, tutuloy ako sa susunod na binigyang diin.

IKALAWA Sa literal na titik ng Konstitusyon; "shall be promulgated in Filipino and English". Bigyang pansin ang gamit ng salitang PROMULGATE(d) na maaari naman sanang gumamit nalang ng salitang WRITTEN, o PUBLISHED, o LETTERED. At dahil sa gayong pagtukoy sa salitang PROMULGATE, dapat unawain ang higit na mas makabuluhang implikasyon nito kung hindi isasakatuparan. Sa gayong piniling termino, binigyang diin ng probisyong nabanggit ang kahalagahang maisulat at mailimbag ang KONSTITUSYON kapwa sa mga wikang Filipino at English.

Ang pagkukulang at pagsuway sa katuparan ng gayong pagtatalaga ay magbibigay ng malawak na implikasyon. Sa ibang pahayag: Kung ang ginamit na salita halimbawa ay WRITTEN, ang pagkukulang ay mangangahulugang "therefore NOT WRITTEN". Ngunit sa gamit ng salitang PROMULGATE, iba ang kahahantungang resulta kung hindi ito maisasagawa.

Gamit ang salitang PROMULGATED, ang pagkukulang at hindi pagtupad ay mangangahulugang THEREFORE NOT PROMULGATED.

Kaya naman kung gayon ay paniniwalang isinusulong, hindi man sabihing katotohanang ipakikipaglaban, mula sa kalimbagan ng pahinang ito na walang bisa ang 1987 Konstitusyon mula noon hanggang ngayon. Ano mang naging bunga ng pag-iral nito sa loob ng nakaraang 25 na taon ay magpasimula ngayon ditong ay hindi nino man maipipilit sa akin, sampu nilang iba pang kapwa naniniwala sa gayong isinusulong, na patuloy na tanggapin at kilalanin.

HANGGANG SA PAGLATHA NG SALIGANG BATAS SA FILIPINO, ang salin nito sa English ay walang bisa (NOT YET OFFICIALLY PROMULGATED).

At maliban sa pahinang ito, sino nga ba sa kasalukuyan ang mga iba pang makapagsasalin at makapaglilimbag ng opisyal na KASALINANG FILIPINO kung kasabay ngayon ng paglimbag ng kasulatang ito ay binubuwag na at pinawawalang bisa ang lahat na institusyong umiiral na humango ng kani-kanilang kapangyarihan at katalagahan sa English na salin ng Konstitusyon.

Sa pagtatapos, gaya nga ng nabanggit, ang tinutuntong kasunod na pahinang ay ang magtatalaga ng simula ng pag-iral ng SALIGANG-BATAS -- ang paglilimbag ng konstitusyon sa kasulatang FILINO.

Angmayakda 06:55, 17 Enero 2012 (UTC)Reply