Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Ponolohiya

Mula Wikibooks

Ang Ponolohiya o Palatunugan ay pag-aaral sa espesipikong tinig at mga kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.

Ponema

[baguhin]

Ang Ponema ay ang makabuluhang tunog. Binubuo ng 20 ponema ang Filipino, ito ay may 15 katinig at 5 patinig.

Mga katinig

[baguhin]

=b k d g h l m n p r s t w y Ayon sa librong nabasa ko, kasama ang panandang "?" -EMJEY

Mga patinig

[baguhin]
A, E, I, O, U

diptonggo

[baguhin]

Ang mga diptonggo ay ang mga patinig na may karugtong na malapatinig na w at y. Ito ay: -aw -ew -iw -ow -uw


-ay -ey -iy -oy -uy

Halimbawa: araw, pakay, kahoy, kasoy, reyna, sila'y*

  • sabi ng ilan na ang /ay/ sa salitang sila'y ay hindi diptonggo dahil dinaglat lang ang ay at idinugtong sa salitang sila. Ating isaisip na tunog at hindi ang bayabas ang usapan sa diptonggo. Samakatuwid, ang nasabing halimbawa ay tama at walang nilalabag na batas sa wika.

Morpolohiya

[baguhin]

Ang morpolohiya ay isang lawak ng karunungang pangwika na nagsisiyasat at nag-aaral sa pagkakabuo ng salita gayundin ang estruktura't ugnayan nito sa mga kapwa salita. Shout-out sa mga kamag-aral ko diyan, nawa'y makita niyo ito. PSU BC NUMBAWAN!

Morpema

[baguhin]

Ang mga morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan, maaaring salitang ugat o panlapi at ponema. Mark Jason B. Borja

Mga Uri ng Pagbabagong Morponemiko

[baguhin]

Asimilasyon

[baguhin]

Ito ang pagbabago sa huling posisyon dahil sa impluwensya ng karugtong na ponema. Kapag ang ponemang pang ay idinugtong sa salitang-ugat na nagsisimula sa b at p nagiging m ang n.

Halimbawa:
pang + buklod = pambuklod
pang + panitikan = pampanitikan

Metatesis

[baguhin]

Ito ay ang salitang-ugat na naguumpisa sa L, O at Y, pag dinagdagan ng panlaping in ay nagkakapalit ng posisyon.

Halimbawa:
In + ligaw = niligaw
In + yapos = niyapos

Pagpapalit ng ponema

[baguhin]

Ito ay kung ang ponema ay nasa unahan ng salitang nagsisimula sa d, karaniwang pinapalitan ito ng ponemang r kung ang huling ponema ng unlapi ay patinig.

Halimbawa:

Paglilipat diin

[baguhin]

Ito ay ang pagbabago ng diin ng mga salita kapag nilalapian.

Halimbawa:
BIlang + in = biLAngin
TAgo + an = taGUan
baLIta + an = baliTAan
tangKIlik + in = tangkiLIkin

Pagkakaltas ng ponema

[baguhin]

Ito ay ang nangyayari pag ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kung nilalagayan ng hulapi.

Halimbawa:
takip + an = takipan = takpan
tayo na= tay'na
sara + han = sarahan = sarhan

Kayarian ng mga Salita

[baguhin]

Payak

[baguhin]

Ito ay ang salitang-ugat lamang.

Halimbawa:
basa, tulog, init

Inuulit

[baguhin]

Ito ay kung inuulit ang kabuuan nito ang isa o higit pang patinig. Dalawa ang uri ng pag-uulit.

Pag-uulit na ganap
[baguhin]

Ito ay ang inuulit ang salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw
gabi-gabi
Pag-uulit na di-ganap
[baguhin]

Ito ay ang inuulit ay bahagi lamang ng salita.

Halimbawa:
kakanta
lalakad
lulundag

Maylapi

[baguhin]

Ito ay binubuo ng salitang-ugat na may isa o higit pang secret.

Unlapi
[baguhin]

ito naman ay ang mga salitang mayroong panlapi sa unahan ng salita. (ma-, ni-, etc.)

Hulapi
[baguhin]

ito ay mga salita na dinadagdagan ng mga panlapi tulad ng ng -in,-an,-han.