Tagalog/Pangngalan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Katuturan ng Pangngalan[baguhin]

    Ayon sa Makabagong Balarilang Pilipino nina Santiago at Tiangco, ang pangngalan ay mabibigyang-katuturan sa dalawang pananaw: (1) Pananaw na Pansemantika (2) Pananaw Batay sa Linggwistikang Istruktural. Ito ay tinatawag na Noun sa wikang Ingles.

Pananaw na Pansemantika[baguhin]

    Batay sa pananaw na pansemantika, ang bahagi ng pananalita ay binibigyang-katuturan batay sa kahulugang ipinapahayag nito. Kaya sa pananaw na ito at sa tradisyunal na balarila, ang katuturan ng pangngalan ay ganito:
     (1) Ang pangngalan ay pasalitang simbolong tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, atb.
     (2) Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, atb.

Halimbawa:

tao G. Enrique Angadol, Dr. Rodrigo Mathis Jr., Pang. Benigno Aquino III guro, magnananggol, magsasaka, senador, anak

bagay "El Filibusterismo" (aklat), "The Torch" (pahayagan), "Ang Tibay" (sapatos) unan, kwaderno, hikaw, lapis

lugar Mataas na Paaralan ng Santo Rosario, Lunsod ng Maynila, Republika ng Pilipinas Kamaynilaan, iloh, paaralan, bundok, ospital

hayop Tagpi, Blacki, Brownie, Muning isda, paruparo, manok, pato

pangyayari Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Araw ng mga Puso, Bagong Taon, Pasko pulong, kaarawan, suntukan, kasalan, piyesta

kaisipan o konsepto hustisya, pag-asa, pag-ibig, tagumpay, kalusugan, ligaya, demokrasya

katangian kasinopan, kagandahan, pagkamagalang, bait, tapang

Pananaw Batay sa Linggwistikang Istruktural[baguhin]

     Batay naman sa pananaw na istruktural, ang pagbibgay-katuturan sa anumang bahagi ng pananalita ay ayon sa kayarian at gamit nito sa pangungusap. Hindi isinaalang-alang dito ang kahulugang tinutukoy.
     Samakatwid, sa makabagong paraan ng paglalarawan, ang pangngalan ay mabibigyang-katuturan ng ganito:

(1) Ang pangngalan ay anumang salitang maaring isunod sa mga panandang na

isahan maramihan
ang ang mga
si sina
ng ng mga
ni nina
sa sa mga
kay kina

Halimbawa:

(1) Ang proyekto na ginawa ng mga mag-aaral ay nakapanawag-pansin sa punungguro.

(2) Ang mga proyekto ng pamahalaan ay nakakatulong sa mga mamamayan.

(3) Si Dr. Jose Rizal ang kinikilalang Pamabansang Bayani ng Pilipinas.

(4) Sina Maria ang tinanghal na bagong mga pinuno ng Student Body ng paaralan.

(5) Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang.

Pansemantikang Klasipikasyon ng Pangngalan[baguhin]

A. Ayon sa Katangian[baguhin]

Ang pangngalan ay mauuri batay sa pangngalang may diwang panlahat o wala. Ito ay maaring (1) Pantangi o Tiyak o (2) Pambalana o Di-Tiyak.

1. Pangngalang Pantangi[baguhin]

Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa partikiular nga ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari atb. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa:

tao:

Emilio Aguinaldo, Gng. Capiral, Engr. Torrabal, Eliana, Daniel

bagay:

"Nescafe" (kape), "Bato-Balani" (magasing pang-agham), Kilometrico

lugar:

Bundok Apo, Boracay, Asya, Pamantasan ng Cordilleras, Baguio Cathedral

hayop:

Tagp, Muning, Birdie, Bantay

pangyayari:

Hari Raya Puasa, Flores de Mayo, Mahal na Araw

2. Pangngalang Pambalana[baguhin]

Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayo, lugar, pangyayari, atb. Hindi ito nagsisimula sa malaking titik bagkus ang mga ito'y nagsisimula sa maliliit na titik.

Halimbawa:

tao:

bayani, abogado, kalihim, mag-aaral, bata, pamangkin

bagay:

aklat, radyo, relo, bahay, lambat, tsinelas, gusali, magasin

lugar:

ilog, paaralan, gubat, bansa, aklatan

hayop:

pusa, aso, buwaya, koneho, manok, kambing

pangyayari:

kaarawan, kapistahan, lindol, pagbaha, sayawan

katangian:

kabaitan, kahusayan, pagkamatulungin

Kasarian ng pangngalan[baguhin]

=Panlalaki[baguhin]

Ito ay pangngalan na ukol sa lalaki.

Halimbawa:
Lance,Rein,Djay,Winston,WaWa bombero, Roy,Lawrence,Ricko,diko


Pambabae[baguhin]

Ito ay pangngalan na ukol sa babae.

Halimbawa:
ate, ina, madre Lei,ditse,Rea,Audrie,Carolina

Di-tiyak[baguhin]

Hindi tiyak kung ito ba ay babae o lalaki

Walang kasarian=[baguhin]

Pangngalang tumutukoy sa mga bagay na walang buhay.

Halimbawa:
lapis, papel, upuan, mesa. .....sapatos

tae utot baliw kayu

Kaukulan ng Pangngalan[baguhin]

Palagyo[baguhin]

Ito ay palagyo kapag ang pangngalan ay ginamit bilang:

a. Paksa ng Pangungusap

   Si Erika ay madalas na pumupunta sa palengke.

b. Panaguring Pangngalan (Kaganapang pansimuno) - laging pinangungunahan ng pangawing na "ay"

   Ang paborito naming guro ay si Bb. Santos.

c. Pangngalang Pantawag - Nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung ito ang tinutukoy o tinatwag sa pangungusap.

   Iva, pwede bang tumahimik!

d. Pamuno ng paksa - Ipinapaliwanang o nililinaw ng pamuno ng paksa ang pangngalang nasa unhan nito. Ang kaukulan ng pamuno sa paksa ay iyon din sa pangngalang tinutukoy.

   Si Dr. Kho, ang doktor, ay kinakausap ko.

e. Pamuno sa kaganapang pansimuno. Nililinaw ng pamuno ang kaganapang pansimuno.

   Ang guro na namatay sa kanser ay si Lelita, ang tiya ko.

Palayon[baguhin]

Ito ay kapag ginagamit ang pangngalan bilang layon ng pandiwa o pang-ukol.

Halimbawa:
Ang eroplano ay lumilipad nang pataas. (Iayon ng pandiwa)
Itinago ni Manuel ang pera sa aparador (Iayon ng pang-ukol)

Paari[baguhin]

Ito ay kapag may inaaring anuman ang pangngalan.

Halimbawa:
Ipinakuha ni Danny ang kanyang sapatos.

Kayarian ng pangngalan[baguhin]

Payak[baguhin]

Pangngalang hindi inuulit, walang panlapi o katambal. Halimbawa:

   lakas, ganda, lipad, talumpati

Maylapi[baguhin]

Pangngalang binubuo ng salitang- ugat na may panlapi na nasa unahan, gitna, hulihan o magkabilaan.

Halimbawa:
kabataan, katauhan, tag-ulan, tag-init

Inuulit[baguhin]

Pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang.

Halimbawa:
halo-halo, tae-tae, lubut-lubutan, tau-tauhan

Tambalan[baguhin]

Pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsama upang maging isang bagong salita na may ibang kahulugan, maaari itong may gitling o wala.

Halimbawa:
silid-aklatan, bahay kalinga, dapit-hapon, kisap-mata, bantay-salakay maya- kapra

Ahas-tulog. Barong-tagalog. Silid-aklatan. Anak-mayaman. Bahay- kubo