Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Pandiwa

Mula Wikibooks

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.

Mga aspekto ng PANDIWA

[baguhin]

Perpektibo o Naganap

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:
Nagdeposito ng pera sa bangko si Charles.

Imperpektibo o Nagaganap

[baguhin]

Ito ay ang pagkilos na kasalukuyang ginagawa.

Halimabawa: Bumibili ako ng kape ngayon sa tindahan.

Kontemplatibo o Magaganap

[baguhin]

Ito ay ang pagkilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.

Halimbawa:
Magluluto siya ng masarap na itlog

Perpektibong Katatapos o Kagaganap

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.

Halimbawa:
Kagagaling niya lamang sa probinsya kaya kailangan niyang magpahinga mula sa mahabang biyahe.

Mga tinig

[baguhin]

Tahasan

[baguhin]
Ako ay binigyan ako ng bahay malaki na mas malaki pa sa bahay ko, at iyon ay desk jocks.

Kailanan

[baguhin]

Isahan

[baguhin]

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:

Si Evean ay nag rereview sa canteen kahit magulo.

Maramihan

[baguhin]

Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa:

Ang mga bata ay nagtatakbuhan kahit na mainit

Mga panlaping makadiwa

[baguhin]

Panlaping banghayin

[baguhin]

Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.

isa, maki, magka, maging, magsa, mag, suma
Pawatas Naganap Nagaganap Magaganap
magbigay nagbigay nagbibigay magbibigay
magsagawa nagsagawa nagsasagawa magsasagawa

Panlaping makabanghay

[baguhin]

Ito ay kapwa nababanghay ang panlapi at salitang-ugat na nilalapian.

Um Ma i, in, o hin Ka-an Ma-an
[1]mag Naka An o han mang Ma-in
Pa-an Pag-an Pag-in
Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap
lumilipad lumipad lumilipad lilipad
tumatakbo tumakbo tumatakbo tatakbo

Pagbabanghay

[baguhin]

Pandiwa sa Ma

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.

mauna
nauna
nauuna
mauuna

Pandiwa sa Ipa

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng utos o mungkahi.

ipaabot
ipinaabot
ipinapaabot
ipaaabot
ipa
ipinaigib
ipinapaigib
ipaiigib

Pandiwa sa Ipag

[baguhin]

Ito ay nagbibigay ng utos o pakikiusap.

ipagbili
ipinagbili
ipinagbibili
ipagbibili

Pandiwa sa Mag

[baguhin]

Ito nagbibigay diwa sa pagganap.

magsabi
nagsabi
nagsasabi
magsasabi

Pandiwa sa Maki

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.

makibagay
nakibagay
nakikibagay
makikibagay
makikisakay

Panlaping Mapa

[baguhin]

Ito ay nagbabadya ng maaaring maganap.

mapabuti
napabuti
napapabuti
mapapabuti

Panlaping Magka

[baguhin]

Ito ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.

magkasundo
nagkasundo
nagkasusundo
magkasusundo

Panlaping Magsi

[baguhin]

Ito ay para sa sabay-sabay na pagkilos.

magsikain
nagsikain
nagsisikain
magsisikain

Panlaping Maka

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.

makatakas
nakatakas
nakatatakas
makatatakas

Panlaping Magsa

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.

magsadula
nagsadula
nagsasadula
magsasadula

Mga pandiwang walang-banghay

[baguhin]
Ipinagaalinlangan ang katumpakan ng seksyong ito. Sumali sa usapan upang mapabuti ang babasahing ito.

Ang pandiwang walang banghay ay hindi nagbabago kahit saan mang aspeto.

Ito ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri. Halimbawa:

Ang aso ay natutulog sa bakuran.

May

[baguhin]

Ito ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa, panghalip panao at pantukoy na mga.

Halimbawa:
May mga bagong tauhan si Ian Patrick.

Mayroon

[baguhin]

Ito ay sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.

Halimbawa:
Mayroon kaming luma at sira-sirang tindang damit.

Hala

[baguhin]

Ito ay ginagamit kung ang diwang pinapahayag ay nakikiusap o nagbababala.

Halimbawa:
Hala ka, huli ka na.
Hala, mauna na kayo.

Mga pandiwang di-karaniwan

[baguhin]

Maylipat na may pungos

[baguhin]

Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

Maypalit

[baguhin]

Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)

Maypungos

[baguhin]

Ito ay kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita.

magpasabi (pasabi) magpasulat (pasulat)

Pagkakaisa ng simuno at pandiwa

[baguhin]
  • Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.
Halimbawa:
Si Neil Christian ay naglalakad sa kahabaan ng Dead Sea.
  • Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.
Halimbawa:
Sina Ian Patrick at Hazzan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.

Pokus ng Pandiwa

[baguhin]

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.

Tagaganap o Aktor

[baguhin]

Ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Si Ian Patrick ay bumili ng mga ari-arian.

Layon

[baguhin]

Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.

Halimbawa:
Ang basura ay ipatatapon ko bukas.

Ganapan

[baguhin]

Ang lugar o pook kung saan ginanap ang kilos.

Halimbawa:
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng palay.

Tagatanggap

[baguhin]

Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa:
Ipagsasalok mo ng tubig ang bisita.

Gamit

[baguhin]

Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.

Halimbawa:
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.

Sanhi

[baguhin]

Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.

Halimbawa:
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Direksyon

[baguhin]

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.

Kaganapan

[baguhin]

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.

Tagaganap

[baguhin]

Ito ay ang bahagi ng panag-uri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. Puwede itong tawaging aktor.

Halimbawa:
Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Dino at Raquel.

Layon

[baguhin]

Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:
Sumasayaw ng tinikling ang mga taga nayon.

Tagatanggap

[baguhin]

Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.

Ganapan

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ian Patrick.

Kagamitan

[baguhin]

Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang lamesa ay pinunasan ni Ian Patrick ng basahan.

Direksyon

[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,

Halimbawa:
Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .

Mga gamit ng pangngalang pandiwa

[baguhin]

Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.

pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong

Bilang simuno ng pangungusap

[baguhin]
Halimbawa:
Ang pagtulong sa kapwa ay MABUTI

Bilang tuwirang layon sa pandiwa

[baguhin]
Halimbawa:
Si Patrick Joshua ay mahilig sa PAGKAIN

. Hays

Bilang kaganapang pansimuno

[baguhin]
Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.

Bilang di-tuwirang layon

[baguhin]
Halimbawa:
Si Engineer Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Tagalog at Ingles

.

Bilang layon sa pang-ukol

[baguhin]
Halimbawa:
Ang paksa ng pag-uusap ay tungkol sa pagsugpo ng kahirapan.

Halimbawa: Para sa kalikasan ang ginawang pagsisikap ng mga magulang


Uri ng Pandiwa

[baguhin]

katawanin

[baguhin]
Tinatawag nating katawanin kung ang pandiwa ay makapagiisa o buo ang kilos ng pangungusap.
Halimbawa
Nagiyakan ang mga tao sa kanyanag pagbabalik.
Lumahok sa paligsahan si Narciso Reyes sa pagsulat.
  1. perpektibo ng aral gamit ang panlaping MAG