Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Aralin 13

Mula Wikibooks

Kadalasang gumagamit ng tuldik (diacritic mark) sa pagbaybay sa Tagalog para matulungan ang pagbikas ng mga banyagang nagnanais itong matutunan. Gayunpaman, naging madalang na ang paggamit ng mga ito simula dekada otsenta.

Gumagamit ang tagalog ng tatlong uri ng tuldilk: pahilis (acute), paiwa (grave) at pakupya (circumflex).

Pahilis

[baguhin]

Ginagamit ang tuldik na paghilis sa patinig na tumatanggap ng diing maragsa.

Halimbawa ay ang mga salitang aso (dog) at asó (smoke). Mapapansin na ang patinig na o ay minarkahan ng tuldik-pahilis sapagkat tumatanggap ito ng diin (stress).

Nanggaling ang pamamaraang ito sa ortograpiyang Español. Halimbawa ay ang mga salitang hablo (nagsasalita ako) at habló (nagsalita siya). Mapapansing parehong ponema ang ginamit [ɑ.blo], ngunit magkaiba sila ng diin sa pagbigkas (['a.blo] at [ɑ'blo]).