Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Apendiks D

Mula Wikibooks

Ang sumusunod na apendiks ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa salawikain. Ang salawikain ay isang butil ng karunungang kinapapalamanan ng mabuting payo at hango sa tunay na buhay.

Ang salawikain ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, dahil ito ay isa sa mga pamana ng mga ninunong Pilipino na nagbigay ng marami sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

Mga Salawikain

[baguhin]

Ito ay mga iba-ibang halimbawa ng mga salawikain:

  • Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
  • Ang isda ay hinuhuli sa bibig. Ang tao, sa salita.
  • Ang hindi magmahal sa kaniyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (José Rizal)
  • Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
  • Magbiro lamang sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
  • Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
  • Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
  • Habang may buhay, may pag-asa.
  • Ang maaabot nang paupo, huwag nang kunin nang patayo.
  • Ang bahay mo man ay bato kung ang nakatira'y kuwago, mabuti pa ang isang kubo kung nakatira'y tao.
  • Anak na di paluin, ina ay paluluhain.

^ Nilalaman ^ | <<Apendiks C: Salitang-balbal | Apendiks D: Mga Salawikain