Pork Knuckles with Sauerkraut

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 piraso pata ng baboy
1 galon tubig
1 piraso malaking sibuyas, inapat
1 piraso carrot, tinadtad
2 tangkay celery, hiniwa
1 dahon laurel
1 kutsarita pamintang buo
½ kutsarita asin
½ kutsara mantika
¼ tasa hiniwang bacon
1 piraso sibuyas, hiniwa
1 lata sauerkraut, pinatulo
1 kutsarita suka
¼ kutsarita caraway seeds
1 kutsarita juniper berries

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ilaga ang pata sa tubig kasama ng sibuyas, carrots, celery, laurel, pamintang buo at asin.
  2. Lutuin hanggang lumambot.
  3. Alisin ang pata.
  4. Sa ibang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon at hiniwang sibuyas.
  5. Sangkutsahin.
  6. Isama ang sauerkraut, suka, caraway seeds, at juniper berries.
  7. Timplahan.
  8. Magdagdag ng kaunting sabaw galing sa pinaglagaan ng pata.
  9. Isama ang pata at lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.