Pagluluto:Pork Knuckles with Sauerkraut
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | piraso | pata ng baboy |
| 1 | galon | tubig |
| 1 | piraso | malaking sibuyas, inapat |
| 1 | piraso | carrot, tinadtad |
| 2 | tangkay | celery, hiniwa |
| 1 | dahon | laurel |
| 1 | kutsarita | pamintang buo |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsara | mantika |
| ¼ | tasa | hiniwang bacon |
| 1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
| 1 | lata | sauerkraut, pinatulo |
| 1 | kutsarita | suka |
| ¼ | kutsarita | caraway seeds |
| 1 | kutsarita | juniper berries |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilaga ang pata sa tubig kasama ng sibuyas, carrots, celery, laurel, pamintang buo at asin.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Alisin ang pata.
- Sa ibang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon at hiniwang sibuyas.
- Sangkutsahin.
- Isama ang sauerkraut, suka, caraway seeds, at juniper berries.
- Timplahan.
- Magdagdag ng kaunting sabaw galing sa pinaglagaan ng pata.
- Isama ang pata at lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.