Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Yema

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Pangunahing sangkap

[baguhin]
1 tasa gatas na kondensada
5 buong pula ng itlog
tasa niligis na patatas
1 kutsara vanilla
1 kutsara mantikilya

Arnibal (caramel)

[baguhin]
1 tasa asukal
½ tasa tubig
¼ kutsarita cream of tartar

Paraan ng pagluto

[baguhin]

Para sa pangunahing sangkap

[baguhin]
  1. Paghaluin sa isang double boiler ang mga sangkap ng yema.
  2. Lutuin hanggang lumapot at kumalat hanggang tuluyang hinahalo.
  3. Palamigin.
  4. Hulmahin ang bawat 1 kutsarang batter ng yema na pa-pyramid.
  5. Itabi.

Para sa arnibal (caramel) at paghanda

[baguhin]
  1. Sa maliit na kaserola, pagsamahin ang mga sangkap.
  2. Pakuluin hanggang maging kulay caramel.
  3. Tusukin ng toothpick ang bawat yema at ihulog sa arnibal hanggang manikit.
  4. Patuluin sa wire rack na hiwa-hiwalay.
  5. Palamigin.
  6. Ibalot sa cellophane.