Pagluluto:Vegetable Chowder
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | tasa | mantikilya |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 2 | tasa | tinadtad na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin) |
| 1 | tasa | hiniwang okra |
| 8 | tasa | cream soup |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadradong siling berde |
| ¼ | kutsarita | paprika |
| 1 | kutsarita | brown sugar |
| 1 | tasa | cream |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | pamintang puti |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantikilya sa kaserola at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Isama ang kamatis at okra.
- Sangkutsahin.
- Ibuhos ang sabaw at pakuluin.
- Hinaan ang apoy.
- Idagdag ang siling berde, paprika at brown sugar.
- Lutuin pa ng 5 minuto bago ihalo ang cream.
- Huwag hayaang kumulo.
- Timplahan ayon sa panlasa.