Pagluluto:Ukoy
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | hipong maliliit o tagonton |
| 1 | kutsara | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
| ½ | tasa | cornstarch |
| 1 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hugasan at patuluin ang tagonton o hipong maliliit.
- Ihalo ang asin, paminta at cornstarch.
- Maglagay ng 2 kutsara sa isang platito.
- Ihulog sa mainit na mantika at iwasang kumalat.
- Iprito hanggang lumutong.
- Patuluin.
- Ulitin ang ganitong paraan para sa natitirang tagonton o hipong maliliit.
- Ihain kasama ng sawsawang suka at dinikdik na bawang o tinadtad na sibuyas.