Pagluluto:Ube Halaya
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | ube |
1 | lata | gatas evaporada |
2 | lata | gatas condensada |
½ | tasa | mantikilya |
½ | kutsarita | vanilla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan sa tubig ang may balat pang ube ng 30 minuto. Isalin at palamigin.
- Balatan at kudkurin ng pino.
- Painitan ang kawa sa katamtamang init ng apoy.
- Tunawin ang mantikilya, idagdag ang gatas condensada at vanilla. Haluing mabuti.
- Idagdag ang kinudkud na ube.
- Hinaan ang apoy.
- Ipagpatuloy ang paghahalo ng 30 minuto o hanggang sa lumapot at medyo nanunuyo na.
- Idagdag ang gatas evaporada at ipagpatuloy ang paghahalo ng 15 minuto ng hindi manikit sa kawa.
- Palamigin at isalin sa maliking bandehado o hulmahan.
- Palamigin sa refrigerator bago ihain.
Dagdag kaalaman
[baguhin]- Maaring pahiran ng mantikilya o margarina ang ibabaw ng halaya bago ihain.
- Kung gustong mas tumamis, maaring budburan ng asukal ang ibabaw ng halaya makaraang isalin ito sa bendehado o hulmahan habang mainit-init pa.
- Sa halip na kudkurin, putul-putulin ng parisukat ang ube at i-blender, mas magiging pino ang pagkadurog nito.