Pagluluto:Tsampoy na Sampalok
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | tasa | hinog na sampalok |
2 | tasa | asukal |
2 | tasa | nilaga at niligis (pinalambot sa pamamagitan ng pagdurog o pagpirat) na kamote |
2 | kutsara | asin |
2 | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tunawin ang asin sa tubig.
- Paghaluin lahat ng mga sangkap sa isang kawali.
- Lutuin sa katamtamang init habang tuloy-tuloy na hinahalo hanggang kumunat.
- Palamigin at pagbilu-bilogin.
- Ipagulong sa asukal at ibalot sa cellophane.