Pagluluto:Tripe Ala Mode Caen
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ¼ | tasa | olive oil |
1 ¼ | tasa | tinadtad na bawang |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | kilo | kamatis ( banlian, balatan, tanggalan ng buto at hiwaing pakuwadrado) |
¼ | tasa | tomato paste |
½ | tasa | white wine |
1 | tasa | sabaw ng baka |
1 | dahon | laurel |
2 | piraso | siling haba, tinadtad |
1 | kutsara | tinadtad na sariwang basil |
1 | kutsara | tinadtad na sariwang oregano |
1 | kutsara | asukal |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
1 | kilo | goto (nilinis, pinalambot at hiniwang pakuwadrado) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Ihalo ang kamatis at lutuin ng ilang minuto.
- Isama ang tomato paste.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Ihalo ang white wine, sabaw, laurel, sili, basil, oregano, asukal, asin at paminta.
- Isama ang gotong pinalambot.
- Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.