Pagluluto:Tortilla de Tokwa
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 ½ | tasa | dinurog na tokwa |
| 2 | kutsarita | dinikdik na bawang |
| 1 | piraso | kainamang laki ng sayote, hiniwang pino |
| 3 | piraso | itlog na binati |
| ¼ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 1 | kutsarita | asin |
| 3 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika.
- Idagdag ang dinurog na tokwa at ang sayote.
- Lagyan ng asin na pampalasa.
- Lutuin hanggang sa lumambot ang gulay, hanguin at patiktikin ang mantika sa isang malinis na lalagyan.