Pagluluto:Tomisuafu
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | bloke | tokwa, hiniwa-hiwa na kuwadrado |
1 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | dinikdik na bawang |
½ | tasa | ginayat na sibuyas |
2 | onsa | miswa |
2 | piraso | binating itlog |
3 | tasa | tubig |
1 | kutsarita | asin |
½ | tasa | ginayat na pinong berdeng sibuyas |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Iprito ang ginayat na tokwa hanggang sa maging malutong.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa 1 kutsarang mantika.
- Lagyan ng tubig hanggang sa kumulo.
- Ilagay ang mga pampalasa.
- Ihalo ang binating itlog sa kumukulong niluluto.
- Idagdag ang piniritong tokwa at ang miswa.
- Ibudbod sa ibabaw ang berdeng sibuyas, Ihain habang mainit.