Pagluluto:Tokwa Sarciado
Itsura
Sangkap
[baguhin]4 | bloke | tokwa (pinag-apat ang bawa't isa) |
2 | butil | bawang dinikdik |
1 | piraso | malaking sibuyas, ginayat |
1 | tasa | berdeng sibuyas, ginayat na pino |
2 | piraso | kamatis, tinadtad |
2 | kutsara | gawgaw |
3 | kutsara | asukal |
2 | kutsara | katas ng kalamansi |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Iprito ang tokwa hanggang sa pumula.
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Lagyan ng asin para lumasa.
- Lagyan ng kaunting tubig, at asukal para tumamis.
- Idagdag ang katas ng kalamansi, at saka ihalo ang piniritong tokwa.
- Pagkulo, ibuhos ang gawgaw. Haluing mabilis. Palamutihan ng dahon ng berdeng sibuyas.