Pagluluto:Tokwa Croquettes
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 2 | kutsara | margarine |
| 2 | kutsara | harina |
| ½ | tasa | gatas |
| 2 ½ | tasa | tokwang tinadtad na pino |
| 1 | piraso | itlog na bahagyang binati |
| ½ | tasa | niyadyad na keso |
| ½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Lutuin ang sibuyas sa margarine hanggang lumambot, ihalo sa harina.
- Idagdag ang gatas, lutuin at haluin hanggang sa ito'y lumapot.
- Idagdag ang natitirang mga sangkap.
- Palamigin sa loob ng refrigerator ng ilang oras.
- Ikortehang bilog na lapad.
- Pagulungin sa dinikdik na tinapay.
- Prituhin hanggang mamula sa mainit na mantika.