Pagluluto:Tokwa't Baboy
Itsura
Sangkap
[baguhin]¼ | kilo | karne ng baboy |
3 | piraso | tokwa |
1 | ulo | bawang, dinikdik |
½ | tasa | suka |
½ | tasa | toyo |
¾ | kutsarita | asin |
2 | piraso | sibuyas, tinadtad |
1 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Palambutin ang karne ng baboy sa tubig na inasinan.
- Hanguin ang karne at hiwaing pakuwadrado.
- Itabi.
- Iprito ang tokwa sa mantika hanggang matusa.
- Patuluin at hiwain ang tokwa ng pakuwadrado.
- Ihalo sa hiniwang karne.
- Paghaluin ang bawang, suka, toyo, asin at sibuyas.
- Ibuhos ang sawsawan sa pinaghalong tokwa at baboy.