Pagluluto:Tofu Roast

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 butil dinikdik na bawang
1 piraso sibuyas, tinadtad na pino
1 piraso carrot, niyadyad na pino
1 bloke dinurog na tokwa
1 tasa oatmeal
½ tasa dinurog na tinapay (bread crumbs)
3 piraso binating itlog
½ kutsarita asin
½ tasa toyo

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at carrot.
  2. Ihalo ang natitirang mga sangkap.
  3. Ilagay sa isang lutuang pinahirang mabuti ng mantika.
  4. Ihurno sa loob ng 30 minuto sa katamtamang init ng hurno.