Pagluluto:Tocino
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | kasim ng baboy, hiniwang maninipis |
½ | bote | 8 oz. lemon-lime softdrink (tulad ng 7-up o Sprite) |
4 | kutsara | toyo |
3 | kutsara | asukal na pula |
5 | butil | bawang, pinitpit na mabuti |
3 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ihiwa nang manipis ang kasim.
- Ihiwalay ang mga bahaging malitid, itabi para sa ibang lutuin tulad ng Adobong Baboy.
- Ibabad ng maninipis na hiwa ng kasim ng baboy sa toyo, asukal, bawang at lemon-lime na softdrink sa isang container.
- Halu-haluin ito para magpantau ang pagkakababad.
- Hayaang nakababad sa loob ng isang magdamag o 8 oras.
Pagkatapos ibabad ng magdamag o 8 oras, maaari nang iluto ang tocino sa pamamagitan ng pagprito nito sa 3 kutsarang mantika.