Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Tinolang Manok

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo manok, hiniwa sa maliit na piraso
3 kutsara mantika
4 kutsarita dinikdik na bawang
2 kutsara ginayat na luya
½ tasa tinadtad na sibuyas
2 kutsara patis
4 tasa hugas-bigas
2 tasa hiniwang berdeng papaya o sayote
½ tasa dahon ng sili

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  2. Idagdag ang manok at patis.
  3. Timplahan ayon sa panlasa.
  4. Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola.
  5. Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
  6. Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
  7. Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili.